outbrain

Sam, Catriona busy sa pagtulong sa mga Pinoy, walang panahon sa paandar ni Clint Bondad

By Regee Bonoan July 14,2020
share this

Sam, Catriona busy sa pagtulong sa mga Pinoy, walang panahon sa paandar ni Clint Bondad

By Regee Bonoan July 14,2020 - 01:10 PM

HINDI nag-e-exist si Clint Bondad sa mundo ng magkarelasyong Sam Milby at 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Kahit alam na nilang ipinost sa social media ng model-actor ang ipinadala nitong direct message kay Sam na tila naghahamon ay dedma lang ang “mag-sweety.”

Mensahe ni Clint kay Sam, “How about we have a little chat?” sabay tanong ng, “Want to become my client?”

Una, abala si Sam sa taping ng bago niyang seryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin” at tulad nga ng sinulat namin dito sa kahapon, mas gugustuhin na lang niyang pag-aralan ang script niya at maglaro ng mobile games kesa patulan ang ex ng girlfriend niya.

May nakita rin kaming video post mula sa co-star ni Sam sa serye na masaya silang nagtsitsikahan nina Iza Calzado na may caption na, “Kaloka, Inglesan sila nang Inglesan.”

Anyway, ilang oras pagkatapos masulat ang ipinost ni Clint ay sabay namang nag-post sina Sam at Catriona ng kanilang mga pinagkakaabalahang charity projects. Nakita ang aktor na nagbubuhat ng mga bigas para sa food pack na ipamamahagi nila.

Ang caption ng Kapamilya actor, “LET’S ALL PASS THE KINDNESS.
A few weeks ago, I was able to take part in an outreach program for @youngfocusph. I’ve heard so much about them and the work that they do from @catriona_gray so I wanted to also get involved and support.

“Going there and working with their volunteers was really rewarding. It proved to me that helping others is one of the most rewarding things you can do. You can support too by visiting www.youngfocus.org. #PassTheKindness.”

Komento naman ni Cat sa post ng boyfriend, “Thanks for being so supportive of my @youngfocusph family.”

Ito naman ang caption ng beauty queen sa kaparehong video na ipinost ni Sam, “#PassTheKindness.

“It’s been a month since we launched the #PassTheKindness video a month ago, a lot has happened! Sharing with you some amazing individuals who have been working to spread kindness throughout the community to help them overcome these challenging times.

“Sharing these because I want to show, that it doesn’t matter how big or small an act, it can still make a difference for someone today.

“I’m encouraging you to share your good works or nominate someone using the #PassTheKindness hashtag in hopes to inspire the people around you! I’ll be featuring submissions on my platforms to help spread positivity!”

Clint Bondad, ayan na siguro ang sagot nina Sam at Catriona sa post mo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending