Tom, Clint tinuksu-tukso ng netizens

Tom, Clint tinuksu-tukso ng netizens, nilagyan ng malisya ang pag-follow sa IG

Ervin Santiago - May 22, 2024 - 05:32 PM

Tom, Clint tinuksu-tukso ng netizens, nilagyan ng malisya ang pag-follow sa IG

NAGKASAGUTAN ang ilang netizens sa kontrobersyal na paandar ng hunk model na si Clint Bondad sa kanyang Instagram account na may konek kay Tom Rodriguez.

Hot topic ngayon ang balitang pagkawala ng lahat ng mga pangalan sa listahan ng mga pina-follow ng dating dyowa ni Catriona Gray sa IG, pero may natira ngang isa — at yan ay ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Ikinaloka at ikinawindang ng mga netizens ang post sa X (dating Twitter) tungkol sa “something” na natuklasan nga sa Instagram account ni Clint.

Ang caption na inilagay ng X user sa screenshot ng IG page ng hunk model, “Just in: Clint Bondad is only following Tom Rodriguez on Instagram, no one else.”

Nang itsek namin ang IG account ni Clint, meron itong 618K followers pero ang nakakagulat nga ay tanging si Tom lamang ang kanyang pina-follow. Naka-follow din si Tom sa kanya.

Baka Bet Mo: Clint Bondad, Tom Rodriguez iniintriga, kaloka ang pasabog sa Instagram

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Siyempre, shookt ang mga netizens sa paandar ni Clint. Ask ng isang X user, “OMG ka marse. Hahaha! What’s the tea? Char!”

Reply naman sa kanya ng nag-post sa mga screenshot ng IG page ni Clint, “Catriona ang peg mader. Ganyan siya kay Cat dati diba charot.”

Matatandaang naging isyu rin noon ang pagiging malapit sa isa’t isa ng Thai transwoman billionaire at Miss Universe Organization owner na si Jakkaphong “Anne” Jakrajutatip. Pero pareho nilang itinanggi na meron silang relasyon.

Habang sinusulat ang artikulong ito ay wala pang reaksyon sina Clint at Tom sa pang-iintriga sa kanila.

Sa official BANDERA Facebook page, kanya-kanyang comments ang ating mga dear readers all over the universe tungkol sa nasabing isyu. May mga naging judgmental at meron din namang nagtanggol kina Tom at Clint.

“Sayang nman mga ito ang guguapo…bakit kasi ng mgsabog ng kgndahan at kahinhinan nasali pa kyo.”

“Grabeh pala si clint bondad magmahal obsessed.”

“Joding Kaya hiniwalayan ng super Ganda nyang si Carla.”

“Justified ang mga pagdududa abt third party.”

“Kung ako finallow ni Clint aarte pa ba ako. kahit tira tira nalang yan papatusin ko yan. kaya lang chakaness tayo at hindi celebrity.”

“Tanggapin man sila o hindi nang ibang tao at least nag papakatotoo sila sarili nila wala pa silang masaktan na ibang tao.”

“Hindi na bago yan kau lang naman ang gulat na gulat para may mapag usapan mga marites at may kikitain sa fb… Hayaan muna mga yan matatanda na sila at buhay nila yan di naman hihingi sa iyo yan nang pang gastos sa tingin ko ikaw pa nga magkka pera sa knila eh kka balita.”

“Kaya pala, iba Yung awra n papa tom sa mga vlog nya, pa singing2x  lng sya.”

“Bagay naman sila. Mga pangit mamatay kayo sa inggit. Di kayo makakatikim ng kasing pogi nila.”

“CHANGE IS THE ONLY PERMANENT IN THIS WORLD…SO AS OUR PREFERENCE VARIES FROM TIME TO TIME…WHAT IS ESSENTIAL BEFORE MAY BE ACCURATE AND EFFECTIVE AS OF NOW…ALL WE NEED IS LOVE IN ANY FORM.”

“BROKEBACK MOUNTAIN na ang labas nila. Hala sige lang uso na yata ngyon niyan…ha ha ha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“My husband’s Lover lang ang peg?”

“Ang judgmental ng mga tao dito. Pina follow lang sa IG nilagyan agad ng malisya? Kaloka!”

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon at paglilinaw nina Clint at Tom tungkol sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending