Anne sa mga kapwa Kapamilya: My heart breaks for everyone, pero hindi po ito ang katapusan
DUROG na durog ang puso ngayon ni Anne Curtis matapos mabalitaan na tuluyan nang ipinasara ang ABS-CBN.
Nasa Melbourne, Australia man ngayon ang Kapamilya actress-TV host kung saan niya ipinanganak ang panganay nila ni Erwan Heussaff, nasa Pilipinas pa rin ang kanyang isip at puso at aminadong napakasakit sa kanya ng naging desisyon mga kongresista na hindi na i-renew ang prangkisa ng network.
Nag-aalala ngayon si Anne para sa lahat ng mawawalan ng trabaho sa ABS-CBN, lalo pa’t patuloy pa rin ang banta ng COVID-19.
Nanghihinayang din siya sa serbisyo publiko na hatid ng network para sa lahat ng Filipino sa pamamagitan ng free TV.
Narito ang mensahe ni Anne sa madlang pipol na ipinost niya sa Instagram: “I am lost for words,” na sinamahan niya ng broken heart emoji.
“My heart breaks for everyone that is affected by this…. from our bosses to all the employees and the loyal viewers of ABS-CBN… It is indeed a very sad day.
“I know people won’t forget this… Maraming Salamat sa lahat ng sumuporta at nagdasal,” pahayag pa ng It’s Showtime host.
Naniniwala naman ang aktres na darating din ang tamang panahon na makakabalik din sa ere ang ABS-CBN.
“I stay hopeful that somehow this isn’t the end… A big hug to my Kapamilya Family,” ani Anne with natching red, green and blue heart emoji na siyang mga kulay ng ABS-CBN logo.
Wala pang binabanggit ang Kapamilya actress kung kailan siya babalik sa bansa ngunit baka matagalan pa ito dahil nga matindi pa rin ang banta ng COVID-19 sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.