Mega napa-throwback kasama sina Nora at Vilma: Isang napakalaking karangalan...mula noon hanggang ngayon! | Bandera

Mega napa-throwback kasama sina Nora at Vilma: Isang napakalaking karangalan…mula noon hanggang ngayon!

Ervin Santiago |July 11,2020
facebook
share this

Mega napa-throwback kasama sina Nora at Vilma: Isang napakalaking karangalan…mula noon hanggang ngayon!

Ervin Santiago - July 11, 2020 - 03:32 PM

 

NAPA-THROWBACK si Megastar Sharon Cuneta nang makita ang ilang litrato niya kasama sina Nora Aunor at Vilma Santos.

 

Mukhang pahinga muna si Mega sa pagpatol sa kanyang bashers at mas piniling magpakasenti sa nakitang litrato kasama ang kanyang dalawa sa mga hinahangaan niyang aktres.

 

Proud na proud na ni-repost ni Shawie ang classic at “iconic” photo kung saan kasama niya sa iisang frame ang nag-iisang Superstar na si Ate Guy at ang Star for All Seasons at idol niyang si Ate Vi.

 

Ang nasabing black and white photo ay mula sa isang newspaper article na ipinost ng isang Sharonian at ni-repost naman ni Mega sa kanyang Instagram page.

 

“Throwback! Isang napakalaking karangalan para sa akin noon hanggang sa ngayon. Ang Superstar, ang Star for All Seasons, at si Nene,” ang caption na inilagay ni Sharon sa litrato.

 

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-feeling fan si Sharon sa dalawang movie icons ng Philippine showbiz dahil noong 2017 ay nag-post din siya ng throwback photo nilang tatlo.

 

“Napakalaking blessing ang makaabot sa kalahati man lang sa pagsunod sa mga yapak nila. Mga tunay na Reyna ng Pelikulang Pilipino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

“Ngayon kasali na rin ako sa Cinemalaya, gaya nilang dalawa! Thank You, Father God in heaven. Sobrang biyaya po ito,” aniya sa caption.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending