Sigaw ng mga Kapamilya sa desisyon ng Kongreso: Pinatay n'yo kami! | Bandera

Sigaw ng mga Kapamilya sa desisyon ng Kongreso: Pinatay n’yo kami!

Reggee Bonoan - July 10, 2020 - 07:55 PM

 

ISA kami sa nasasaktan, lumuluha at sumisigaw ng katarungan sa ginawang pagbasura ng House of Committee on Legislative Franchise sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

 

Sa ginanap na 13 days hearing para sa franchise renewal ng network sa Kamara ay dumaan sa butas ng karayom ang mga kinatawan ng Kapamilya network sa pangunguna ng Presidente at CEO nitong si Carlo L. Katigbak pero nanatili silang kalmado.

 

Ang mismong publiko na ang nakapansing pinahihirapan ng mga kongresista ang ABS-CBN at tingin nila ay malabo na talaga itong mabigyan ng panibagong prangkisa.

 

Sabi nga ng isa sa mahigit 11,000 empleyado ng ABS-CBN, “You’ve been holding our balls for a long time. We fought this battle with just our heart (emoji). It is time to regain our balls and show them that our hearts have balls. #LabanKapamilya #KapamilyaForever.”

 

Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ang lahat na 70 ang bumoto ng YES na huwag nang bigyan ng bagong prangkisa ang istasyon; 11 ang NO; at 2 ang hindi bumoto.

 

Medyo nakakalito lang ang botohan ng YES or NO. Base sa nakuha naming listahan ng mga bumoto ay anim ang nagmula sa Legislative Franchise Members and Ex Officio Members; 36 ang Legislative Franchise Committee Members for the Majority; 4 Legislative Franchise Members for the Minority; 26 Ex Officio Members; 13 Deputy Majority Leaders: at 6 Deputy Minority Leaders. Aabot sa 91 lahat pero 81 lang ang bumoto para sa YES at NO. Nasaan na ang 10?

 

Anyway, abut-abot ang pasasalamat ng mga Kapamilya sa 11 na bumoto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Yan ay sina Rep. Sol Aragones Rep. Christopher De Venecia Rep. Carlos Zarate Rep. Gabriel Bordado Jr. Rep. Vilma Santos-Recto Rep. Lianda Bolilia Rep. Jose Tejada Rep. Bienvenido Abante Rep. Stella Quimbo Rep. Mujiv Hataman at Rep. Edward Maceda.

 

Iisa lang ang sigaw ngayon ng mga Kapamilya employees, “Pinatay ninyo kami! Yakap Kapamilya!”

 

* * *

 

Narito naman ang official statement ng ABS-CBN.

 

“Labis kaming nasasaktan sa desisyon ng Committee on Legislative Franchises na tanggihan ang franchise ng ABS-CBN. Naniniwala kaming nakapagbigay kami ng serbisyong makabuluhan at mahalaga sa mga Pilipino. Gayunpaman, nagpapasalamat kami sa Committee para sa pagkakataong maipahayag ang aming panig sa mga isyung laban sa amin.

 

“Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa aming mga sponsors na nanindigan para mabigyan kami ng prangkisa, at sa mga mambabatas na nagsalita para sa amin sa mga pagdinig. Habangbuhay kaming nagpapasalamat sa inyo.

 

“Nagpapasalamat din kami sa lahat ng nagpahayag ng suporta at nag-alay ng dasal para sa amin. Hindi namin kakayanin ang lahat ng ito kung wala kayo.

 

“Mananatili kaming nakatuon sa serbisyo publiko at umaasang makakahanap ng ibang mga paraan para tuparin ang aming misyon. Kasama ang aming mga empleyado, karamay niyo kami sa inyong kalungkutan. Inaasahan namin ang araw na tayo ay magkakasama muli. Mga Kapamilya, maraming salamat na patuloy kayong nagtiwala, sumuporta, nagdasal, at lumaban kasama namin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

“Kapit lang, muling magliliwanag ang kwento ng bawat Pilipino.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending