Sharon may pa-tribute kina Angel, Zsa Zsa, Pops, Regine, Juday: Mahal na mahal ko kayo! | Bandera

Sharon may pa-tribute kina Angel, Zsa Zsa, Pops, Regine, Juday: Mahal na mahal ko kayo!

Ervin Santiago |July 10,2020
facebook
share this

Sharon may pa-tribute kina Angel, Zsa Zsa, Pops, Regine, Juday: Mahal na mahal ko kayo!

Ervin Santiago - July 10, 2020 - 02:08 PM

 

SUPER touched si Megastar Sharon Cuneta sa mga kaibigan niya sa showbiz na hindi nakalilimot na kumustahin siya sa “hirap at sa ginhawa”.

Nitong mga nakaraang araw ay talagang laging laman ng headlines si Sharon dahil sa sunud-sunod na kontrobersiyang kinaharap niya.

Mula sa pagtatanggol sa ABS-CBN hanggang sa pagpatol sa mga bully sa social media at sa mga nambabastos sa kanyang asawa’t mga anak, lahat yan ay kinarir ng singer-actress.

Kamakailan lang ay pinatawad na niya ang dating kaibigan at publicist na si Ronald Carballo sa kabila ng matinding kasalanang ginawa nito sa kanya.

Hahayaan na rin niyang si Frankie Pangilinan ang magdesisyon kung kakasuhan pa ba ang taong nag-post ng rape threat sa anak.

At sa lahat ng mga pinagdaanang stress at sakit ng kalooban na hinarap ni Mega, may ilang kilalang celebrities ang hindi nakalimot na pasayahin at pagaanin ang loob niya.

Isa na nga riyan si Angel Locsin na pinasalamatan pa niya sa kanyang Instagram account. Nag-post siya ng litrato ni Angel na may mahabang caption.

Aniya, “Itong batang ito…tahimik lang…pero hinding-hindi ako nakakalimutan. Isang message lang na, ‘Ma, kamusta ka na?’ Or kahit na isang ‘Ma..?’ Walang maraming salita.

“Pero ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalala. Pinapaalala ko sa sarili ko lagi ang isang message niya: ‘Maraming nagmamahal sa yo…’

“Simpleng-simpleng paraan ng pagpapakita ng concern at pagmamahal. Paano ko makakalimutan si Angel Locsin?

“Kung nagkakataon pag kailangan kong marinig o mabasa ang ganon, biglang sa kanya manggagaling.

“Di ka nagbago sa loob ng halos dalawang dekada mula nung makilala kita. Thank you, Angel. Hindi mo lang alam ano ang pinupuno mo sa puso ko. Mahal kita anak. ️@therealangellocsin,” ang pa-tribute ni Sharon kay Angel.

Sa isa naman niyang IG post, pinasalamatan ni Mega sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Judy Ann Santos at Pops Fernandez.

“During the whole ECQ / Lockdown, these four beautiful ladies have kept me company one way or another; always making their presence felt, always showing their concern and love.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pops and I have never been this close since childhood. She is a gift given by God during, of all times, this Global Pandemic! I thank God for these women – old friends and new, and look forward to a lifetime of friendship with each of them.

“I love you, Juday my sis, Zsa, my Nana, and my ‘new’ sis, Pops. Thank you for being such blessings in my life,” mensahe ni Shawie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending