Kim Idol ‘brain dead’ na: I’d rather die on stage than die on my bed…
“BRAIN dead na po si Kim Idol, waiting na lang po sa decision ng mama niya kung stop na magbigay ng gamot.”
Ito ang pahayag sa amin ng isang malapit na kaibigan ng stand-up comedian na si Brianne Alejandria.
Sa Bicol daw manggagaling ang ina ni Kim pero ang mga kapatid niya ay nasa ospital na lahat at tanggap na ang nangyari sa kapatid.
Matatandaang isinugod si Kim nitong Huwebes ng madaling araw dahil natagpuang walang malay sa kanyang kuwarto.
Base sa kuwento sa amin ni Brianne, “Mag-isa lang po siya sa kuwarto niya, pang-umaga po ang duty niya kaya sa gabi wala siyang kasama sa room kasi panggabi naman ang duty ng room mate niya.
“Base po sa kuwento ng doktor na nakakita, nakatawid pa si Kim ng pinto para humingi ng tulong kaso walang tao at ilang oras na siyang walang malay,” kuwento sa amin.
Sa Manila Central University Hospital Caloocan City dinala si Kim at hanggang ngayon nga ay naka-confine pa rin siya roon.
May brain arteriovenous malformation (AVM) si Kim since 2015, “Sinabihan na siya na anytime puwedeng umatake ang AVM niya. Kahit nagpe-perform pa siya sa stage. Actually, nu’ng 2015 pinapa-stop na siya mag-work sa Zirkoh and Klownz.
“Pero sinabi ni Kim sa doctor, ‘I’d rather die on stage than die on my bed.’ Yan ang eksaktong sagot niya sa doctor. Since 2015, Kim is literally ‘a walking time bomb’, nagkataon lang na sa duty siya inabutan,” kuwento pa ni Brianne sa amin.
Kung babasahin daw ang timeline ni Kim sa Facebook ay may post siya noong Hulyo 6, “Nagkaka-migraine ako sa panonood ng hearing sa franchise (ng ABS-CBN).” Ang huling post naman niya ay noong Hulyo 7 kung saan kinunan niya ang langit na sobrang maaliwalas at kita ang Philippine Arena.
Premonition na nga ba ang ibig sabihin ng mga post ni Kim?
Miyembro si Kim ng Iglesia ni Cristo kaya naman nu’ng sabihan siyang sa Philippine Arena nitong Hunyo siya maa-assign bilang marshall para sa mga naka-quarantine doon ay masaya ang pakiramdam niya.
Mayo nang magsimula si Kim sa bago niyang trabaho bilang frontliner.
Kuwento ni Kim sa amin noon, “Kinuha ako nu’ng doctor na friend ng friend ko. Ngayon nag-e-encode ako sa opisina nila dito sa Port Area ng mga health declaration card (yung dilaw na coupon na pinipirmahan sa airplane).
“I applied for it. I was deployed the other day but was pulled out. While waiting for deployment, I’m doing some errands here in Bureau of Quarantine.
“Waiting po ako ulit na ma-deploy sa hotel, pero if ako po ang masusunod, mas preferred ko na mag-encode na lang kasi mas safe kesa sa humalibilo sa mga repatriates na naka-quarantine sa hotel kasi puwede pong may mag-positive sa kanila.
“Pahinga na muna ang aking entertainer alter ego na si Kim Idol habang idle pa ang entertainment business, normal na buhay muna as a government employee with my real identity Michael Argente!”
Kaya makikita sa mga ipino-post na larawan ni Kim Idol na todo naka-PPE (personal protective equipment) siya at panay ang panalangin niya na alagaan siya ng Panginoong Diyos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.