Sheena kay Jeron: Grabe 'yung kasungitan na ginawa ko sa 'yo, yun pala buntis na 'ko!  | Bandera

Sheena kay Jeron: Grabe ‘yung kasungitan na ginawa ko sa ‘yo, yun pala buntis na ‘ko! 

Ervin Santiago - July 02, 2020 - 10:13 AM

SUPER bilib at saludo ang Kapuso actress na si Sheena Halili sa kanyang very supportive husband na si Atty. Jeron Manzanero. 

Sa pamamagitan ng Instagram post, nagpasalamat si Sheena sa grabeng pagmamahal sa kanya ng asawa. 

Mensahe ng nagdadalang-taong aktres, “Sa aking napakabait at supportive na asawa. Throwback photos naten oh. Mula nu’ng nag-date pa lang tayo at lahat ‘yan first. 

“First out of the country trip [Singapore], first road trip, first time mo akong isama sa work, at ‘yung last photo, una natin date sa Tagaytay. 

“Babe, masayang-masaya ako ikaw ang asawa ko. Napakasaya ng life ko with you. Four months na tayong mag-asawa. 

“Walang nagbago kung hindi mas minahal kita at ramdam ko rin na mas minahal mo ako at nakakatuwa gaano ka kaasikaso sa amin ni baby,” lahad pa niya.

Inalala rin ni Sheena ang unang bahagi ng kanyang pagbubuntis kung saan nagkaroon siya ng irregular mood swings at ultra-sensitivity. 

Kwento ng Kapuso star, “Grabe ‘yung kasungitan na ginawa ko sayo nu’ng second month nating mag-asawa na ‘di naten alam pareho bakit. ‘Yun pala pregnant na ‘ko kaya kagulo na hormones ko. 

“Pero natatandaan ko na kahit sobrang difficult ko na noon, iisa lang ang sinabi mo sakin. Asawa kita, mahal kita kung ganyan ka okay lang, kaya kita!” 

Dagdag pa ni Sheena, ang pagpapakasal kay Jeron ang pinakamalaking desisyon na ginawa niya sa kanyang buhay, at gagawin niya ang lahat para maging forever na ang kanilang married life.

Inanunsyo rin ng Kapuso actress na malalaman na sa susunod na buwan ang gender ng kanilang first baby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending