Sigaw ng fans ni Coco: Ano pang silbi ng TV kung wala si Cardo Dalisay?    | Bandera

Sigaw ng fans ni Coco: Ano pang silbi ng TV kung wala si Cardo Dalisay?   

Reggee Bonoan - July 01, 2020 - 04:30 PM

Coco

“SAAN na namin mapapanood si Cardo Dalisay?”

Ito ang tanong sa amin ng mga tagasubaybay ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Umeere nu’ng Martes nang gabi ang serye ni Coco nang biglang mawalan ng signal ang CineMo sa TV Plus ng ABS-CBN.

 Ito’y dahil nga sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission o NTC na nagpapahinto sa operasyon ng digital TV transmission sa Metro Manila.

Ang mga gumagamit ng TV Plus o black box na naglalaman ng Kapamilya channels tulad ng Teleradyo, Jeepney TV, Yey!, Asianovela Channel, KBO at CineMo ay apektado sa ipinalabas na bagong CDO ng NTC.

“Ano pang silbi ng TV?” sabi naman ng isang katotong hindi na namin babanggitin ang pangalan.

Sabi pa niya, “Ang apektado ‘yung mga walang internet kasi ‘yung mga show naman ng ABS mapapanood mo na sa iWAnt at YouTube.”

Hinanap namin ang episode ng “Ang Probinsyano” sa YouTube at habang tinitipa namin ang balitang ito ay ang Hunyo 29 full episode pa lang ang naka-upload. 

‘Yung Martes, Hunyo 30 ay paputul-putol ang pag-upload at iisa ang komento ng 27.8 million subscriber’s ng ABS-CBN Entertainment.

“Ang Probinsyano pls keep on uploading full episodes.  We need it for entertainment during pandemic ABS-CBN artists continue to upload movies and teleseryes pls and other platform even Instagram or Facebook or YT there’s always a lot of way,” sabi ng isang netizen.

“Malaking tulong din na nasa online ang mga programa ng Kapamilya network dahil napapanood sila ng kababayan nating nasa ibang bansa,” comment ng isa pa.

Mula naman kay Louiza Cortez, “Wow. Ang Pagbabalik ng Probinsyano di nako maiinip ulit after work here Israel sobra namiss ko teleserye ni Coco after 3 months lockdown sa Pinas. God bless Everyone.”

Actually, iisa ang sinasabi ng mga manonood, masaya sila sa pagbabalik ni Cardo Dalisay at sana’y muli nilang mapanood ito sa free TV.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending