ISASAILALIM sa modified localized quarantine (MLQ) simula bukas, Hulyo 2 hanggang sa Hulyo 15, ang walong kalye sa Barangay Lower Bicutan sa Taguig City sanhi ng pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Taguig, ipatutupad ang lockdown sa Barangay Dalampasigan Area sa Purok 5, 6, 6-A,6-B at 6-D; K-9 Area, Reyes st. at Mauling Creek Area.
Sa datos ng pamahalaang lungsod, nadagdagan pa ng 36 ang bilang ng tinamaan ng naturang virus.
Umabot na sa 887 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Naitala ang mga bagong kaso ng COVID-19 mula sa mga barangay ng Bagumbayan, Calzada, Central Bicutan, Katuparan, Lower Bicutan, Pinagsama, South Daang Hari, Santa Ana, Tuktukan at Wawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.