Confirmed: Ryza Cenon 5 buwang buntis...sino kaya ang tatay? | Bandera

Confirmed: Ryza Cenon 5 buwang buntis…sino kaya ang tatay?

Ervin Santiago |July 01,2020
facebook
share this

Confirmed: Ryza Cenon 5 buwang buntis…sino kaya ang tatay?

Ervin Santiago - July 01, 2020 - 11:29 AM

LIMANG buwan nang buntis ang Kapamilya actress na si Ryza Cenon.

Ito ang good news na kanyang ibinandera sa social media kalakip ang mga litrato kung saan proud niyang ipinakita ang kanyang baby bump.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Ryza na magiging mommy na rin siya at kino-consider niyang isang napakalaking blessing ito sa kanyang buhay sa kabila ng mga kanegahang nangyayari sa mundo.

“It’s the small moments that make life big. Happiness is on the way. #prayeranswered #Godsgift #newjourney,” caption ni Ryza sa kanyang IG post.

Ayon pa sa aktres, ang tatay ng kanyang panganay ay si Miguel Cruz, na isang director of photography.

Ibinalita rin ni Ryza na nakumpirma niyang buntis siya noong April sa pamamagitan ng pregnancy test.

“Pregnant po ako, 20 weeks na po. Bale nag-start po siya ng February pero hindi ko pa po alam kasi noong Feb po nag-aano pa ako, e, may action project pa akong ginagawa no’n.

“Yung Bella Bandida and then ’yong dalawang movies po. Hanggang sa naabutan na kami ng lockdown,” kuwento ng aktres sa isang panayam.

Nakatakdang manganak si Ryza sa November at baby boy ang kanyang magiging panganay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending