Mga opisyal ng barangay pinagpapaliwanag sa Sinulog street dance
PAGPAPALIWANAGIN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal ng barangay sa Cebu City na nabigo umano pigilan ang Sinulog street dance and presentation sa kabila ng pagiging coronavirus disease 2019 hotspot ng lugar.
Magpapalabas si DILG Sec. Eduardo Año ng Show Cause Order laban sa mga opisyal ng barangay na nauna ng itinanggi na may kinalaman sila sa naturang selebrasyon.
Inatasan din ni Año ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group upang magsagawa ng imbestigasyon at magsampa ng kaso sa mga lumalabag sa ipinatutupad na quarantine.
“We will not tolerate any violation of our quarantine protocols. Those responsible will be made to account,” ani Año. “We will definitely get to the bottom of this.”
Dumagsa ang tao sa mga kalsada ng Sitio Alumnos sa Brgy. Basak San Nicolas noong Sabado para makilahok sa Sinulog street dance and procession.
“We need people to practice discipline. They should know better dahil ang Cebu City ang may pinakamaraming kaso, dapat sila ang mas maingat. We have nothing against the expression of devotion but in a time of crisis, kailangan mag-isip din naman tayo. Sa ganitong mga pagsuway mas maraming buhay tayong nilalagay sa kapahamakan. Disiplina Muna!”
Ang Brgy. Basak San Nicolas ay isa sa 12 Barangay sa Cebu City na isinailalim sa lockdown. Kasama rito ang Sambag Dos, Kamputhaw, Sambag Uno, Mabolo, Guadalupe, Lahug, Duljo, Tinago, Tisa, Ermita at Tejero.
Kahapon ay umabot sa 4,562 ang kaso ng COVID-19 sa Cebu sa mga ito 592 ang gumaling at 78 ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.