Tekla natakot nang malamang may sakit ang bagong silang na anak: Masakit bilang tatay | Bandera

Tekla natakot nang malamang may sakit ang bagong silang na anak: Masakit bilang tatay

Ervin Santiago |June 26,2020
facebook
share this

Tekla natakot nang malamang may sakit ang bagong silang na anak: Masakit bilang tatay

Ervin Santiago - June 26, 2020 - 02:36 PM

HINDI mahihiyang tanggapin ni Super Tekla ang lahat ng tulong na ibibigay sa kanya para sa bagong silang niyang anak.

Itinuturing ng Kapuso comedian na isang blessing ang pagsilang ng bunso niyang anak na si Baby Angelo.

Pero isa rin itong matinding hamon para sa kanya bilang ama matapos madiskubre ng mga doktor na may birth defect ang baby. Ani Tekla, may anorectal malformation ang anak o walang butas ang puwit ng bata.

“Kaba tsaka takot ko, ganu’n na lang. Masakit bilang isang tatay. Ilalapag ko lahat. Ilalapag ko kung anong kayang ilapag.

“Handa akong mag-start ulit. That’s life pero at the end of the day, wala akong pagsisisihan,” ang umiiyak na pahayag ng comedian sa panayam ng GMA 7.

Hindi maiwasan ni Tekla na tanungin ang Diyos kung bakit ngayon pa ibinigay sa kanya ang pagsubok na ito kung saan wala pa siyang mapagkukunan ng kabuhayan at halos lahat ng tao ay naghihirap dahil nga sa COVID-19 pandemic.

“Sabi ko, ‘Bro, grabe Ka naman. Dito Mo pa talaga binigay itong ganitong situation na wala akong kalaban-laban kundi ang humagulgol at maglupasay.

“Ganu’n talaga. That’s life. Kung will ni God na ibigay niya sa akin, never akong mawawalan ng pag-asa. Nagkataon lang siguro. Lahat susuyurin ko pero at this moment, wala ka talagang masusuyod, e,” ani Tekla.

Dugtong pa niya, “If ever na may taong tutulong, sobrang blessing talaga at lifetime kong pasasalamatan. We’re fighting kasi ganoon kaimportante ang buhay.” 

Kailangang maoperahan agad ang baby ni Tekla kaya umaasa siya na may mga tutulong sa kanila para maisalba ang buhay ng bata.

Ang panganay ni Tekla ay si Airah Librada na anak niya sa dating asawa. Hindi naman nabanggit ng komedyante kung sino ang nanay ni Baby Angelo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending