Pia 'pinahirapan' muna si Jeremy Jauncey bago sinagot: He was very respectful, he waited | Bandera

Pia ‘pinahirapan’ muna si Jeremy Jauncey bago sinagot: He was very respectful, he waited

Ervin Santiago |June 26,2020
facebook
share this

Pia ‘pinahirapan’ muna si Jeremy Jauncey bago sinagot: He was very respectful, he waited

Ervin Santiago - June 26, 2020 - 01:22 PM

 

NILIGAWAN ng hunky foreigner na si Jeremy Jauncey si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach — the traditional Pinoy style.

Ayon kay Pia, hindi niya basta-basta sinagot ang current boyfriend niya ngayon dahil talagang nagpaka-dalagang Filipina siya nang makilala ang gwapong binata at nag-effort ito sa panunuyo sa kanya.

“Baka kasi matawa kayo at hindi kayo maniwala pero medyo old school kasi ako. In-explain ko sa kanya na sa Pilipinas sa culture natin ay mayroong courtship.

“In-explain ko sa kanya ‘yon at sobrang game naman siya. Game siya at ni-respect naman niya ‘yon. So nag-take kami ng time na magkakilala kami.

“Kahit hindi ko in-explain sa kanya siguro nagtanong-tanong siya sa mga friend niya na Filipino,” paliwanag ni Pia sa panayam ng Umagang Kay Ganda.

Kuwento pa ng actress-beauty queen, “Sa Western culture kasi parang bigla na lang na nagiging kayo, basta alam niyo na lang na kayo na parang ganoon. With him, he was very respectful and he waited. And then, naghintay siya ng right moment to ask.”

Ayon kay Pia, ipinagdarasal niyang si Jeremy Jauncey na nga ang kanyang “Mr. Right” at ang icing sa kanyang “cupcake” tulad nga ng lyrics sa kanta ni Kim Chiu.

“Sana naman. Kasi ako naman whenever I’m in a relationship ay lagi namang serious. Anyway, sana. Ipagpi-pray ko,” ani Pia na naging bukas rin sa pagkuwento tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

“Akalain mo ‘yon itong 2020 maipu-push ko pa pala ang love life. Well maraming mga plano na put on hold. Dapat magkikita kami. Dapat pupunta siya dito sa Pilipinas. Tapos dapat magkikita rin kami sa New York. 

“Pero dahil sa nangyayari ngayon, hindi tayo makapag-travel. Ganito lang muna kami, online, ganito ang mga date namin. Pero ganoon talaga.

“Pero we are looking foward to seeing each other naman kapag natapos na lahat ito. Sana soon. Pero kung hindi pa naman soon, okay lang din basta make sure na safe lahat bago kami mag-travel, kumilos at magkita,” pag-alala pa sa pagkikita nila noon ni Jeremy sa London.

Nang tanungin kung paano niya ilalarawan ang estado ng puso niya ngayon, “Complete. Hindi ako makaisip ng ibang word kasi parang ang saya. Sobrang get-along kami. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tapos natutulungan niya ako sa maraming bagay. Marami siyang natuturo sa akin, sa fitness, sa business, sa buhay.  

“Ako marami akong natutunan at natutuwa talaga ako. At mino-motivate talaga namin ang isa’t isa para mas galingan pa namin sa buhay. In that way nakikita ko na hindi lang siya boyfriend, partner talaga siya,” ang pahayag pa ng Kapamilya actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending