Angel unti-unti na uling pumapayat; walang paki sa bodyshamers | Bandera

Angel unti-unti na uling pumapayat; walang paki sa bodyshamers

Ervin Santiago |June 26,2020
facebook
share this

Angel unti-unti na uling pumapayat; walang paki sa bodyshamers

Ervin Santiago - June 26, 2020 - 11:09 AM

Angel

“DEDMADELA” (read: dedma lang) ang Kapamilya actress-TV host sa mga nanglait at nang-okray sa katawan niya nitong mga nakaraang mga araw.

Walang pinatulan o niresbakan si Angel sa mga bodyshamers matapos kumalat ang mga litrato niya habang nagte-taping sa Mauban, Quezon. 

Sa nasabing mga photo, makikita na biglang lumaki ang katawan ng aktres. Mapapansin din ito sa unang episode ng kanyang public-service program na “IbaYan” sa Kapamilya Channel.

Pero sa bagong litrato na ipinost ng aktres kahapon sa kanyang Instagram account, mapapansin na medyo nabawasan na ang kanyang timbang.

Dito, nakasuot si Angel ng black blouse at slacks at face mask. Kuha pa rin ito sa taping para sa bagong episode ng “IbaYan” at balitang ang kanyang fiancé na si Neil Arce ang direktor nito.

Sa kasagsagan ng pamba-bash kay Angel dahil sa kanyang katabaan, nanatili lang ang pananahimik ng dalaga. Ibig sabihin lang nito, hindi siya apektado sa panglalait sa itsura niya.

Marahil, nasa isip ni Angel na walang kabuluhan at waste of time lang kung papatulan pa niya ang mga bodyshamers.

 In fairness, kahit dedma si Angel, ang milyun-milyon naman niyang supporters ang nagtanggol sa kanya. Tinawag pa nga siyang ambassador ng body positivity at bagong bayani ng mga plus size women.

Kasunod nito, nag-post ang aktres sa IG Story ng “huquote” na may konek sa crab mentality ng mga tao. Aniya, “Blowing out someone else’s candle doesn’t make yours shine any brighter.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending