Aiko sa pagpapaseksi: Gusto ko pagbalik ko masa-shock sila sa akin!  | Bandera

Aiko sa pagpapaseksi: Gusto ko pagbalik ko masa-shock sila sa akin! 

Ervin Santiago |June 26,2020
facebook
share this

Aiko sa pagpapaseksi: Gusto ko pagbalik ko masa-shock sila sa akin! 

Ervin Santiago - June 26, 2020 - 08:24 AM

MULA sa size 10, size 6 na lang ngayon ang “Prima Donnas” star na si Aiko Melendez.

Sa latest vlog ng Kapuso actress, ikinuwento niya na calorie-counting daw ang naging diet plan niya. 

Noong unang buwan ay 500 calories per day lang ang meal niya sa buong araw. Mahirap pero kinarir ni Aiko ang bawat araw ng kanyang pagpapapayat.

Nag-adjust siya to 1,000 calories per day noong second month ng diet niya at halos puro fruits at vegetables ang kinakain niya. 

Payo ni Aiko sa lahat ng mga sumasailalim sa balik-alindilog program, huwag susuko at masterin ang disiplina sa katawan.

“Important tip doon sa mga nagugutom lalo na kapag nagda-diet, get a glass of water and then mag-squeeze kayo ng lemon. 

“Because that’s supposed to 

suppress your appetite para mawala niya ‘yung hunger pangs na tinatawag, ‘yun ‘yung urge ninyong kumain,” lahad ng aktres.

Dagdag ni Aiko, kaya raw siya nag-diet ay dahil gusto niyang maging healthy. 

“Lahat ng mga tao, usually, ganitong quarantine, ang ginawa, kumain nang kumain. Ako, binaliktad ko talaga ang sistema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagpapayat ako. Gusto ko maging healthy ako at gusto ko pagbalik ko sa TV lalo na sa series naming Prima Donnas, masa-shock ang tao sa akin dahil kalahating tao ang makikita nila kay Kendra,” aniya pa.

Samantala, samahan muli ang cast ng top-rating GMA Afternoon Prime series sa isa na namang masayang online chikahan at kumustahan sa “Prima Donnas: Watch From Home” ngayong Biyernes, 5 p.m., sa official social media accounts ng GMA Network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending