Banta ni Aiko sa nagsabing may sex video si Andrei: Ilabas mo! Pag hindi mo napatunayan idedemanda kita!  | Bandera

Banta ni Aiko sa nagsabing may sex video si Andrei: Ilabas mo! Pag hindi mo napatunayan idedemanda kita! 

Reggee Bonoan |June 22,2020
facebook
share this

Banta ni Aiko sa nagsabing may sex video si Andrei: Ilabas mo! Pag hindi mo napatunayan idedemanda kita! 

Reggee Bonoan - June 22, 2020 - 08:03 PM

“MY son took a back seat in showbiz because he cannot take the limelight, because my son is just a simple boy, he just wants a simple life.” 

Ito ang ginawang pag-amin ni Aiko Melendez sa unang pagkakataon kung bakit hindi natuloy ang panganay niyang si Andrei Yllana sa showbiz.

 

Nasabi ito ni Aiko dahil inintriga ng Twitter user na si @jakolinks ang anak. May sex video raw ang binata at kapag umabot sa 25k ang followers niya ay ilalabas nito ang mga litrato at video ng binata.

Nalaman ni Aiko ang isyu nang i-text siya ng kapatid na nasa Amerika tungkol sa nasabing Twitter post.

Nagpupuyos sa galit ang aktres na nagsabing, “Kantiin n’yo na ako, huwag lang ang mga anak ko!”

Hinamon ni Aiko sa Facebook Live kanina si @jakolinks na ilabas ang sex video ni Andrei at kapag wala itong nailabas ay idedemanda siya ng aktres.

“Alam n’yo naman po kung gaano ako ka-over protective pagdating sa mga anak ko.  Pagdating sa anak ko, kantiin n’yo na po ako, you can lambast me all you want but when it comes to my children, Ako ang makakalaban ninyo,” pahayag ng aktres.

“Unag-una, si Andrei ay matino ko po ‘yang pinalaki.  Kahit mag-isa po ako ay itinaguyod ko ‘yan nang maayos sa malinis na paraan na alam ko at paraan namin ng mommy ko kasi katulong ko ang mommy Elsie (Castañeda) ko sa pagpapalaki ko kay Andrei.

“I can’t say that my son is perfect because no one is perfect pero hindi ko rin masasabi na ang anak ko ay isang masamang bata kasi ang anak ko kahit ganyan ‘yan, mabuting bata ‘yan. Minsan nabibigyan ako ng sakit ng ulo but never a major problem, never na pagbintangan na may sex scandal siya.

“Kaya grabe ang inis ko sa taong ito (@jakolinks) na sinisira ang pangalan ng anak ko na iningat-ingatan ko ng maraming taon kasi mag-isa ko ‘yang itinayo halos iginapang ko ‘yan ng dugo, luha at pawis para mapalaki ko ‘yan ng maayos tapos isang tao lang ang yuyurak na sasabihing may sex scandal ang anak ko!” galit na galit n pahayag ng aktres.

Nabanggit pa ni Aiko na hindi pa nga tapos ang COVID-19 pandemic ay naisip pang gawan ng hindi maganda ang isang tao.

“Andrei is only 21! He is just starting being legal but you do not have the right to destroy and ruined his reputation just because trip-trip n’yo.

“Wala ka bang nanay, wala ka bang kapatid na babae?  Bakit ang mga postings mo pawang paninira ng artistang may sex scandal. E, ang anak ko wala, heto hinahamon kita kung matapang ka, lumabas ka.  Kung may sex scandal ka ng anak ko ilabas mo, pero kapag wala kang nailabas na sex scandal, idedemanda kita!” banta ni Aiko.

Dagdag pa ng aktres, “Walang ginagawang masama sa inyo ang anak ko, nananahimik siya.  Kaya nga nag-quit ‘yan ng showbiz kasi hindi po niya ma-take ang limelight.  Nakukusensiya nga ako kasi dahil sa stature ko, ang mga anak ko hindi ko mabigyan ng privacy. 

“Pasensya na mga anak kong Andrei at Marthena dahil ito ang trabaho ko.  Ito ang trabahong alam kong I’m good at ito ang trabahong nag-ahon sa atin sa kahirapan at nabibigyan ko kayo ng disenteng pamumuhay.”

Sumali na rin sa FB Live ni Aiko si Andrei, “Nagpapasalamat po ako na mayroon kayong side na pakinggan ang side at totoong istorya po.

“Ganito po ‘yan, may ipinost po sila sa aking dating Instagram at ang huling post pa po, 2017 nitong (@jakolinks), ewan ko kung anong pangalan niya, pangalan palang napakababoy na.

“Anyway, i-check n’yo po ‘yung Twitter at kayo na po mag-judge kung anong masasabi ninyo sa account na ‘yun na ipinapakita niyang as proof ay matagal na pong wala sa akin ‘yun.  

“And when you look at it closely, 2017 pa po huling post no’n.  Mapapansin naman po siguro na hindi na ako nagpo-post doon kasi wala nap o akong access to that account.

“So, I don’t know what picture are they using probably getting it from someone na kakulay ko rin.  If you look at the picture as well, hindi mukhang bahay namin din at hindi akin kasi ‘yung name ko na nilagay sa taas ng video ay hindi moving so halatang edited.

“I don’t know what I’ve done to you, I don’t know who you are, I don’t know why you’re hiding in another name, If I’ve done something that I am not aware of, I’m sorry.

“But me, growing up hindi naman po sa pagbubuhat ng bangko or anything, si mommy po kasi, pinalaki akong  mabuti saka nag-aral po ako sa Catholic school simula prep hanggang grumadweyt po ako ng high school. I don’t even see myself doing that, so nakakatawa sa viewers ni mom, nakakatawa sobra.

“Siguro para makita ninyo ang tunay na ugali ko, manood na lang kayo ng vlog ko para ma-prove ko sa inyo na hindi po kasi o wala po talaga sa pamilya namin ang ganyan, eh,” paliwanag ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa ni Andrei, “Think before you post and before you share and always double check.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending