Produkto mula sa hobby na ibinebenta online hindi kailangang magparehistro
HINDI umano papatawan ng buwis ang mga nagbebenta ng produkto na ginagawa dahil hobby ito.
Sa virtual hearing ng House committee on ways and means kanina, sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na maganda kung magpaparehistro ang mga online seller kahit na maliit lamang ito.
“Online business basically is simply another mode or medium so we treat businesses the same. At any rate, the rule basically applies to those really in business, regularly selling. Even if such activity is small in size, it must be registered,” ani Lopez.
Pero hindi umano nangangahulugan na pagbabayarin ng buwis ang mga ito.
Nilinaw din ni Lopez na ang mga online seller na ang ibinebenta ay hobby lamang nila at hindi madalas magbenta ay hindi na umano kailangang magparehistro sa DTI.
“Anyway, the annual income below P250,000 is exempted from income taxes according to the BIR ruling,” ani Lopez.
Sinabi naman ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Arnel Cuballa na tuloy ang kanilang itinakdang deadline sa Hulyo 31 para sa pagpaparehistro ng mga online sellers.
“Online sellers have until July 31 to register without penalties for late registration,” ani Cuballa.
Ang mga online sellers na kumikita umano ng P250,000 pataas kada taon ay magbabayad ng buwis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.