Fans sa body-shamers ni Angel: Kahit ano pang itsura niya, siya pa rin ang tunay na Darna!  | Bandera

Fans sa body-shamers ni Angel: Kahit ano pang itsura niya, siya pa rin ang tunay na Darna! 

Ervin Santiago - June 19, 2020 - 10:31 PM

TRENDING ang Kapamilya actress na si Angel Locsin dahil sa mga kumalat na litrato niya sa social media.

Hot topic ngayon ng mga netizens ang biglang paglobo ng katawan ng aktres base na rin sa mga nag-viral na photos niya na kuha nang nagpunta siya recently sa Mauban, Quezon.

Personal na nagpunta doon si Angel kasama ang kanyang fiancé na si Neil Arce para kunan ang isang episode ng bago niyang documentary show na Iba ‘Yan na napapanood sa Kapamilya Channel.

Base sa mga litratong ipinost sa Facebook page na Maubanin Ako, makikita ang aktres naka-green blouse, dark blue pants at may dalang black backpack.

Sa reaksyon ng mga netizens, na-shock sila sa bigla nitong paglaki. Hindi naman daw siya ganu’n kataba noong kasagsagan ng kanyang relief mission at charity works para sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic. 

Ngunit para sa mga supporters ni Angel, walang issue sa kanila kung ano ang timbang at itsura ng aktres dahil anila hindi rito nasusukat ang pagkatao ng isang indibidwal kundi ang kabaitan at kabutihan ng puso nito.

Kung may mga nanglait sa itsura ni Angel ngayon mas marami pa rin ang pumuri sa kanya dahil pinatunayan lang daw ng dalaga na wala siyang pakialam kung anuman ang sasabihin ng ibang tao.

Ibig sabihin nito, “confidently beautiful with a heart” pa rin ang aktres anuman ang maging itsura niya sa harap ng camera, dahil ang mahalaga ay kuntento siya sa buhay at masaya sa mga ginagawa niya.

Ayon naman sa isang netizen, “Angel Locsin is the proof that your WEIGHT, your SIZE it doesn’t matter. It’s 2020! Let’s stop body shaming! Angel Locsin becomes an inspiration to all the plus size peeps (including me) that your weight is not the measure to become a good role model. She’s indeed a Darna.”

“She’s done so much to help the country during this crisis (can u say the same for yourself?) She’s too busy saving lives to even care about your remarks. Real life darna has nothing to prove to y’all,” comment ng isa pa.

Kung matatandaan, sinagot na rin noon ng dalaga ang mga nang-ookray sa katawan niya. Aniya, “Hindi mo na lang papatulan. May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo.

“Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao.

“Kasi ang sad, ang sad ng life niya. Kasi ako, wala akong problema.

“Bakit ikaw ang dami mong issue? Ako nga, walang issue, e. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to. Ikaw, okay ka ba?” sabi pa ni Angel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa mga hindi pa nakakaalam, dalawang beses nasungkit ni Angel ang titulong Sexiest Woman in the World ng FHM Philippines: noong 2005 at 2010. At tulad nga ng sinabi ng ilang tagapagtanggol ng dalaga, wala na siyang dapat patunayan pa pagdating sa pagiging sexy. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending