Angel: Wala ako sa kalingkingan ni Darna, isa lang akong simpleng tao | Bandera

Angel: Wala ako sa kalingkingan ni Darna, isa lang akong simpleng tao

Ervin Santiago - June 19, 2020 - 05:17 PM

 

PARA sa Kapamilya actress na si Angel Locsin, mas marami pang karapat-dapat na tawaging Darna kesa sa kanya.

Kung meron mang itinuturing na real life superhero ang madlang pipol ngayon, yan ay walang iba kundi si Angel na hanggang ngayon ay patuloy pa ring tumutulong sa nga nangangailangan. 

Mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic sa bansa and until now, hindi pa rin tumitigil si Angel sa kanyang charity projects at relief mission.

Hangga’t may maibibigay at maitutulong siya ay gagawin niya sa abot ng kanyang makakaya. Kaya naman sa digital mediacon para sa bagong inspirational program ng Kapamilya Channel na “Iba Yan” natanong siya kung ano ang masasabi niya sa mga nagsasabing siya talaga ang tunay na Darna ng mga Filipino.

“Bilang ginampanan ko si Darna, at alagang-alaga ako sa character ni Darna, isang malaking compliment sa akin ‘yun kasi alam ko kung gaano kabuting tao si Darna and si Narda ang hangarin nila is pure. 

“Pero kung tutuusin, wala ako sa kalingkingan, ‘yun ‘yung reality doon,” pahayag ng dalaga na isa sa mga gumanap na Darna sa TV version nito sa GMA ilang taon na ang nakararaan.

“Pero I’m very flattered kasi siguro napapanood nila ‘yung mga ginagawa kong projects pero isa lang akong simpleng tao, hindi ako bilyonaryo, hindi ako mayaman, hindi rin ako laging nauuna,” sey pa ni Angel sa nasabing panayam.

Pagpapatuloy pa niya, “Siguro, nagkakaroon lang ako ng coverage kasi kilala ka, so madalas ka napi-picturan ng tao, pero naniniwala ako na mas maraming tao ang mas active sa paligid ang hindi nabibigyan ng importance talaga.

“And ’yun ang gusto natin gawin sa show natin (Iba Yan), bigyan natin ng limelight, ibida natin, ‘yung mga kakaiba ang kuwento, ‘yung kakaiba ang mga pagkatao, panahon nila ngayon so aatras po ako sa kung anong limelight na ‘yan, ibibigay natin sa kanila,” chika pa ni Angel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending