Jennylyn: Rape exists because of rapists, hindi ‘yun dahil sa pananamit
MAY mga biktima ng panggagahasa dahil may mga rapist.
Yan din ang paninindigan ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa kontrobersyal na “victim blaming” sa Pilipinas pagdating sa issue ng rape.
Isa si Jen sa mga celebrities na matapang na nagpahayag ng kanyang saloobin about rape. Ipinagdiinan niya sa kanyang latest social media post na, “rape exists because of rapists.” Hindi raw makatarungan na sisihin pa ang biktima ng rape lalo na sa klase ng pananamit nito.
Sa Facebook idinaan ng girlfriend ni Dennis Trillo ang pakikiisa niya sa laban ng mga kababaihan kontra rape at iba pang uri ng pang-aabuso.
“Nakaugalian na ng ibang tao sisihin ang isang rape victim. Kasalanan daw nila dahil sa galaw o suot nila. Pasensya na po, but this thinking is backwards.
“Paano ninyo mairarason ang mga biktima na mga bata at matanda na hindi naman nakasuot ng sinasabing ‘sexy na pananamit’?” pahayag ng singer-actress.
Dagdag pa niya, “No. You don’t blame the victim for choosing to be ‘malandi’ in your eyes. For choosing to wear revealing outfits. For choosing to put herself in a dangerous position. For being at the wrong place and time.”
“No reason whatsoever that can justify a person getting sexually assaulted and no excuse for the assailant to commit the act.
“Blame the person who chose and chooses to rape her,” paliwanag pa ni Jen.
Naging maingay muli ang issue ng rape nang makipagsagutan sa social media ang anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan sa broadcaster na si Ben Tulfo.
Naniniwala kasi ang radio-TV anchor na may mga nagagahasa dahil sa klase ng pananamit ng babae. Mariin itong kinontra ni Frankie sa pamamagitan ng sunud-sunod niyang tweets.
“STOP TEACHING GIRLS HOW TO DRESS?? TEACH PEOPLE NOT TO RAPE.
“Breaking news: My clothing is NOT my consent. … The way anyone dresses should not be deemed as ‘opportunity’ to sexually assault them. Ever.
“Threatening to r*pe me or hoping i’m r*ped in order to somehow justify that victims are to blame — that’s the real brain cell gap right there lmaooo #HijaAko,” mensahe pa ni Frankie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.