Lady solon nabahala, dexamethasone ibinibenta online, itinuturo pa ang paggamit | Bandera

Lady solon nabahala, dexamethasone ibinibenta online, itinuturo pa ang paggamit

Leifbilly Begas - June 19, 2020 - 01:49 PM

COVID

DAPAT umanong pigilan ang pagbebenta ng dexamethasone na maaaring lalong makasama sa kalusugan ng isang tao kung mali ang pagkakagamit.

Ayon kay ACT-CIS Rep. Niña Taduran napabalita kamakailan na lumalabas sa research sa United Kingdom na ang dexamethasone ay nakakatulong sa mga kritikal na pasyente na nahawa ng coronavirus disease 2019.

Mayroon pa umanong nagtuturo online kung papaano gagamitin ang gamot na ito.

“This drug is a steroid. It suppresses the immune system. Kung wala kang sakit at gagamitin mo ito, maaaring bumagsak ang iyong resistensya at mas lalo kang hindi makalaban sa sakit. Hindi ito proteksyon laban sa Covid-19,” ani Taduran.

Sinabi ni Taduran na dapat kumilos ang Department of Health at Food and Drug Administration upang habulin ng mga nagbebenta ng dexamethasone online dahil ang mga bumibili lamang na may resita ang dapat na pagbilhan nito.

“It is very alarming that videos are circulating online regarding an injection which is supposedly being offered as a protection against Covid-19. Apparently, this injection has dexamethasone, procaine which is an anaesthesia or pain reliever, and Vitamin B. Don’t be fooled by the claims that this combination of drugs can help prevent the attack of the novel coronavirus in the body. There’s no vaccine yet,” dagdag pa ni Taduran.

Ang dexamethasone ay ginagamit sa mga pasyente na may inflammation at overactive immune system tulad ng may lupus, arthritis, asthma ay matinding allergy.

Sa isang clinical trial sa kritikal na Covid-19 patients sa UK, ang mga nabigyan ng dexamethasone ay gumanda ang kalagayan at nabawasan ng 20 porsyento ang panganib na mamatay.

Wala naman nakitang tulong ang steroid sa mga pasyente na hindi malala ang kalagayan at hindi pa gumagamit ng mechanical ventilator.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending