UMABOT na sa 40,534 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na naihatid na sa kani-kanilang probinsya.
Ang pagpapabalik sa mga OFW ay nasa ilalim ng ‘Hatid Probinsya para sa mga OFWs’ Program.
Sa nabanggit na bilang 11,809 sa mga OFW ang inihatid sa pamamagitan ng land transport at 16,637 sa pamamagitan ng air transport mula Mayo 25 hanggang Hunyo 18.
Sa pamamagitan naman ng Sea Transport naihatid ang 12,088 OFW mula Abril 27 hanggang Hunyo 18.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending