Vice Ganda: Ano ba talaga ako...sabi nila DDS, yung iba naman Dilawan?! | Bandera

Vice Ganda: Ano ba talaga ako…sabi nila DDS, yung iba naman Dilawan?!

Ervin Santiago - June 19, 2020 - 10:04 AM

Vice-Digong

“ANG hirap ‘yung maraming tao na pilit kang hinihila pababa, bina-bash ka!” Yan ang hugot ni Vice Ganda sa lahat ng mga taong patuloy na gumagawa ng paraan para mapabagsak siya.

Naglabas ng saloobin ang TV host-comedian tungkol sa usaping politika na kadalasang ibinabato sa kanya ng mga haters, lalo na ang pagtawag sa kanya ng “DDS” o Die-Hard Duterte Supporters.

Sa nakaraang live episode ng “It’s Showtime,” isang contestant ng Tawag ng Tanghalan ang nagsabing naging matinding challenge sa kanya ang paglaban sa matinding pamba-bash nang mag-audition siya last year sa “Idol Philippines.”

Ani Shan dela Vega, si Vice lang sa mga judge ng nasabing reality talent search ang nag-yes sa kanya. Sabi pa niya, si Vice ang naging inspirasyon niya noong kasagsagan ng pang-ookray at panglalait sa kanya sa social media.

“I feel you and I fully understand your emotions right now. Ang hirap kasi talaga ng maraming tao ang nagdududa sa ‘yo. 

“Ang hirap ‘yung maraming tao na pilit kang hinihila pababa, bina-bash ka, ‘yung may mga taong nagbibigay ng pangalan sa ‘yo na parang kilalang-kilala ka nila,” sabi ni Vice kay Shan.

“It just takes one person na iparamdam sa ‘yo na nagtitiwala siya sa ‘yo para kumapit at hindi tuluyang mawalan ng pag-asa,” sey pa ng TV host.

Aniya pa, “Ganyang-ganyan din ako. Ang daming taong nagde-define sa akin, kung sino ako. Nakakatawa nga. ‘Yung mga sa social media, ‘yung mga ‘dilawan,’ tinatawag nila akong ‘DDS’. Iyong mga ‘DDS,’ tinatawag nila akong ‘dilawan.'” 

Hugot pa niya, “Ano ba talaga ako? Bakit ‘yung mga tao ang nag-di-define sa akin? ‘Di ba dapat ako ang mag-define? At saka bakit ko idi-define ang sarili ko na DDS ako o dilawan ako.

“Deadma na. Kung iyon ang na sa isip niyo, wala na akong magagawa. Pero kung meron mang taong nakakakilala sa akin, ako ‘yun.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito pa ang payo niya sa TNT contestant, “Huwag mong tatanggalin ‘yung paniniwala mo at pagkakakilala mo sa sarili mo. Ikaw lang at ang Diyos ang nakakakilala ng laman ng puso mo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending