Sharon, Kiko bilib sa tapang ni Frankie na labanan si Ben Tulfo | Bandera

Sharon, Kiko bilib sa tapang ni Frankie na labanan si Ben Tulfo

- June 15, 2020 - 01:53 PM

Frankie-Kiko-Sharon-Ben

PROUD na proud sina Sen. Kiko Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta sa anak nilang si Frankie matapos manindigan ang dalaga sa isyu ng rape.

Suportado nina Kiko at Shawie ang anak sa pakikipagsagutan nito sa radio at TV anchor na si Ben Tulfo na nagsabing maraming nare-rape dahil sa klase ng pananamit ng mga babae.

“Hija, iba mag-isip ang mga manyakis at mga rapists. Hindi natin sila matuturuan at mababago ang kanilang pagnanasa at pagiging kriminal.

“Ang tanging magagawa ay manamit ng tama. Huwag nating pukawin ang pagnanasa nila. Ito ang iyong magagawa. Bago natin sila baguhin, baguhin muna natin ang sarili’t pag-iisip natin. Gets mo Hija?” ang bahagi ng pahayag ni Tulfo.

Ito naman ang matapang na sagot ni Frankie, “Rape culture is real and a product of this precise line of thinking, where the behavior is normalized, particularly by men.”

“The way anyone dresses should not be deemed as ‘opportunity’ to sexually assault them ever. Calling me hija will not belittle my point,” aniya pa.

Proud nanay naman si Sharon sa tapang at paninindigan ng anak at naniniwala rin siya na tama ang sinabi ni Frankie tungkol sa mga rapist at walang kinalaman dito ang pananamit.

“Kahit nakamaong, sweater na turtleneck at makapal na jacket ka pa, kung may masama ang iniisip, masama ang gagawin. Parang pedophiles lang. 

“Nananahimik ang mga batang anghel na inosenteng nakaplay-clothes na di naman long gowns o nakabalot pero pinagnanasaan,” ani Mega.

Hirit pa niya, “Kung masama ang intensyon, gagawa at gagawa ng paraan ang kademonyohan ng masama. Pero kung matinong tao kahit pa nakatwo-piece ka sa beach at dumaan ka sa harap niya, wala lang.”

Idinaan naman sa Twitter ni Sen. Kiko ang kanyang paghanga at pagsaludo sa anak. Aniya, nakikita niya ang kanyang sarili kay Frankie noong sumasali siya sa mga protest rally during the Martial Law.

“Ngayon alam ko na ang naging pakiramdam ng Tatay ko nung isa akong nagmamartsa, nakikibaka at lumalaban na lider estudyante sa UP Diliman nung ‘80s nung panahon ng Diktadura.

 “Pasensya na Daddy, ikaw din ang nagturo sa akin na mahalaga ang pagiging lider nung bata pa ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Go ahead then, @kakiep83. As my father, your Lolo Dony, sought to understand what I did then despite the risks, so it is with me and you,” sunud-sunod na tweet ng senador.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending