Willie binigyan ng P100k ang 4 anak ng namatay na ginang habang naghihintay ng bus pauwi sa Bicol | Bandera

Willie binigyan ng P100k ang 4 anak ng namatay na ginang habang naghihintay ng bus pauwi sa Bicol

Ervin Santiago - June 13, 2020 - 09:28 AM

WILLIE REVILLAME

NAGBIGAY ng tulong pinansyal si Willie Revillame sa naulilang pamilya ng inang namatay habang naghihintay ng bus pauwi sa kanilang bahay sa Bicol.

Hindi napigilan ng TV host-comedian ang maging emosyonal nang malaman ang malungkot na kuwento ng ginang na si Michelle Silvertino.

Pumanaw kamakailan ang ina habang naghihintay ng masasakyang bus pauwi sa bahay nila sa Bicol kung saan naghihintay sa kanya ang apat na anak.

“Nakakabagbag-damdamin, nakakahabag ng puso. Noong napanood ko ho ito, bakit ho nangyayari ito ngayon sa ating mga kababayan? Kawawa ‘yung mga anak na naiwan,” pahayag ng TV host sa nakaraang episode ng “Tutok To Win” ng Wowowin.

Kaya naman para makapagbigay ng tulong sa naiwang pamilya ni Michelle, tinawagan ni Willie ang kapatid nitong si Josie na nagkuwento rin tungkol sa kabaitan ng yumaong ginang.

Mas lalo pang humanga si Willie kay Michelle nang sabihin ng kapatid nito na noong huli silang nagkausap nitong nagdaang Mayo ay  manghiram pa siya ng pera rito naagad namang nagpadala sa kanya.

“Ang bait naman ng ate mo si Michelle,” ani Willie kay Josie kasabay ng pangakong bibigyan niya ng P100,000 ang mga naulilang anak ni Michelle.

“Gusto ko sanang makatulong, ng Wowowin family. Gusto kong magpadala ng pera sa inyo para pantawid sa hirap ng inyong mga pamangkin.

“Magpapadala ako ng pera P100,000 para sa pamilya niyo, para sa mga bata, para sa pagpapaaral nila,” promise ng TV host-comedian.

Ayon sa report, limang araw ding naghintay si Michelle sa pedestrian overpass sa Pasay City para sa masasakyang bus hanggang sa pumanaw na nga noong nakaraang Biyernes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending