Sagot ni Lauren sa tanong pag niligawan ni DJ Loonyo: Yuck! | Bandera

Sagot ni Lauren sa tanong pag niligawan ni DJ Loonyo: Yuck!

Ervin Santiago - June 11, 2020 - 03:15 PM

DJ Loonyo-Lauren

“YUCK!” Yan ang sagot ng aktres na si Lauren Young sakaling ligawan siya ng internet sensation na si DJ Loonyo.

Muling nagpatutsada ang kapatid ni Lauren Young sa kontrobersyal na DJ nang mabasa ang mga bagong comments ng netizen sa mga palpak nitong pahayag tungkol sa mass testing at tamang paggamit ng face mask.

Nag-react ang dalaga sa mga tweet ng netizens na nagsabing hindi man lang nag-effort ang dancer-choreographer na naka-base sa China na itama ang mali-maling impormasyon na ibinigay niya sa kanyang followers tungkol sa ilang isyung bumabalot sa COVID-19 pandemic.

Kung matatandaan, inokray at tinawag pang bobo ni Lauren si DJ Loonyo sa mga pinagsasabi nito sa kanyang YouTube vlogs. Nag-sorry na ang binata sa pamamagitan ng isang Facebook Live kasabay ng paglalabas ng saloobin sa lahat ng mga nanglait at nangmaliit sa kanya, kabilang na nga ang ilang kilalang celebrities.

Isang netizen ang nag-post ng mensahe sa Twitter at sinabihan si DJ Loonyo na mag-research muna bago magsalita at mangaral sa publiko,

 “Ang daming chances ni dj loonyo para bumawi sa mga pinagsasasabi niya pero bakit parang walang nangyayari.

“Open naman ako sa character development pero parang……regression ang nangyayari….then he announces pa to use his platform for love and positivity tangena hahahahahaha!”

May isa namang nagkomento at ikinumpara pa si DJ Loonyo kay Mocha Uson na ilang beses na ring pinaratangan ng pagpapakalat ng fake news. Dito na nag-post ng comment si Lauren.

Aniya, “And instead of bashing or hating sana ineducate nalang. First of all its no one elses responsibility to educate you.

“Thats your own responsibility ESPECIALLY if you have the means and resources. Laziness isn’t an excuse to not be informed.”

Sunod pa niyang tweet, “Its too easy to throw shade at this point. He’s not even making it fun for me anymore.” Wala man siyang binanggit na pangalan, naniniwala ang mga netizens na patama niya ito kay DJ Loonyo.

Isang maikling video clip din ng kontrobersyal na DJ ang ni-repost ni Lauren na naglalaman ng kapalpakan ng binata at may caption na,

“Ha.” Dito na may nagtanong na isang follower kung ano ang gagawin niya kung sakaling ligawan siya ng DJ na nireplayan ni Lauren ng, “Yuck.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

As expected, binanatan na naman ng fans ni DJ Loonyo ang sister ni Megan at tinawag ng kung anu-anong masasakit na salita, tulad ng “feelingera” at “balyena”. Sey pa ng isang Twitter user, “Maka-yuck naman to! As if naman magugustuhan ka ni DJ Loonyo! Ang layo mo talaga kay Megan.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending