Alaska hindi aalis ng PBA—Marcial | Bandera

Alaska hindi aalis ng PBA—Marcial

Frederick Nasiad - June 09, 2020 - 02:01 PM

Pinabulaanan ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Willie Marcial ang kumalat na balitang lilisanin na ng Alaska Aces ang liga.

“Hindi ko alam kung saan galing yun (balita) pero pitong taon ko nang naririnig na aalis ang Alaska sa PBA at hindi nangyayari. Kausap ko si (Alaska) Gov. Dickey Bachmann, tinawanan lang ako,” kuwento ni Marcial sa online forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Martes ng umaga. “Sa pagkakaalam ko, hindi aalis ang Alaska sa PBA, as of now.”

Dagdag pa ni Marcial, sa pinakahuling board meeting ng liga ay hindi pinag-usapan ang posibleng pag-disband ng koponan kaya nagtataka siya kung bakit may ganitong balita na lumabas sa social media.

Kinumpirma naman ni Marcial ang paglipat ng prangkisa ng Columbian Autocar Corporation sa sister company nito na Terra Firma Realty Development Corporation. Ang dalawang kompanya na ito ay parehong pagmamay-ari ni Palawan Governor Jose Alvarez.

Ani Marcial, may hininintay pa siyang dokumento mula sa kampo ni Alvarez para makumpleto ang paglipat ng prangkisa at pormal nang matatawag na Terra Firma Dyip ang koponang ito sa PBA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending