Ika-2 panalo target ng Rain or Shine Elasto Painters | Bandera

Ika-2 panalo target ng Rain or Shine Elasto Painters

Angelito Oredo - April 29, 2018 - 12:14 AM


Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Blackwater vs Alaska
6:45 p.m. Rain or Shine vs Barangay Ginebra

HABLUTIN ang ikalawang sunod na panalo ang pilit gagawin ng Rain or Shine Elasto Painters sa pagsagupa nito sa Barangay Ginebra Gin Kings sa tampok na laro sa eliminasyon ng 2018 PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Magsasagupa muna ang mag-aagawan sa unang panalo at kapwa galing sa kabiguan na Blackwater Elite at Alaska Aces ganap na alas-4 ng hapon bago ang salpukan ng Elasto Painters at Gin Kings dakong alas-6:45 ng gabi.

“We’ve decided to make a change in import. When we first contracted Shane Edwards, we believed Greg would be healthy and available to play, and Shane could play alongside him But with Greg’s injury, we feel that we need someone to replace Greg rather than play alongside him. So we’re bringing in a
6-foot-10 big man in Charles Garcia, a player I have scouted in the past,” sabi ni Gin Kings coach Tim Cone.

Aminado si Cone na hindi makakapaglaro sina Greg Slaughter, Jervy Cruz at Paolo Taha at problema ng import nito ang nadadamang init sa bansa subalit nais ng kanyang koponan na mainit na makapagsimula at handang-handa na ito sa pakikipagsagupa.

“We’re all looking forward to getting this conference started. Granted, Greg, Jervy and Paolo are still out and our import is having a hard time adjusting to the heat and humidity, but the rest of the guys are ready and excited to go. Rain or Shine is always a tough, physical matchup for us, but we’re ready to battle,” sabi pa ni Cone.

Gayunman, inaasahang dadaan sa matinding pagsubok ang Gin Kings sa pagsagupa nito sa Elasto Painters na sinandigan ang import na si Reggie Johnson na agad nagpakita ng matinding laro sa una nitong laro sa PBA.

Gumawa si Johnson ng double-double na 32 puntos at 22 rebound para sa Elasto Painters kontra Aces upang itakas ang 109-103 panalo sa overtime at agad isalo ang Rain or Shine sa tatlong koponan na hawak ang liderato.

Muling sasabak ang may taas na 6-foot-10 na si Johnson para sa Rain or Shine na pilit susungkitin ang ikalawang sunod na panalo kontra Barangay Ginebra na ipaparada ang bago nitong import na una pa lamang din sasabak sa liga.

Samantala, pilit na pipigilan ng Elite ang dalawang sunod nitong kabiguan na ang huli ay nalasap kontra Phoenix Fuelmasters, 102-107, noong Miyerkules ng gabi habang babangon ang Aces sa una nitong pagkatalo kontra Rain or Shine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending