Kiray tinalakan ng bashers dahil sa pagpo-post ng masasarap na pagkain | Bandera

Kiray tinalakan ng bashers dahil sa pagpo-post ng masasarap na pagkain

Alex Brosas - June 08, 2020 - 04:51 PM

KIRAY CELIS

INOKRAY si Kiray Celis dahil sa pagpo-post niya ng iba’t ibang klase ng food.

Of late, mano-notice mo na puro food ang post ng young comedienne, talagang bumaha ng sari-saring pagkain sa kanyang social media account.

Ang naging dating tuloy ni Kiray ay parang ipinangangalandakan niya na marami siyang pagkain.

Napaka-insentive daw nito gayong marami ang naghihirap dahil pa rin sa lockdown na dulot ng COVID-19. Pabida raw kasi ang aktres at hindi na inisip ang mararamdaman ng ibang tao lalo na yung mga wala nang makain. 

“Ang daming utak talangka! hindi masama na wag mag isip ng masama.. lalo na sa kapwa! 

“Ang daming utak talangka!  Hindi po ako nagpopost ng mga pagkain para inggit lahat ng walang makain. 

“Pinopost ko ito bilang tulong sa mga business o resto na patay ang negosyo dahil sa quarantine nato.  

“At karamihan sa mga nagmemesage sakin na business owner eh nagpapapromote sila para daw may sahot lahat ng nagtatrabaho sa kanila.

“Kaya again, hindi masama na wag mag isip ng masama…lalo na sa kapwa.”

‘Yan ang paliwanag ni Kiray sa kanyang Twitter account.

Unawang-unawa naman siya ng kanyang fans na nagsabing ‘wag na lang niyang patulan ang kanyang mga bashers.

“Ituloy mo lang hayaan mo sila. Ayaw nila nun nakakatulong ka pa.”

“Halaa grabe naman di pa rin ba cla tumitigil?? Tsss.”

“Just ignore people like that, they can not help you.”

“Pandemic na nga! Ang NEGA pa din mag isip!”

“Gora Kiray! Burn them all. Inggit lang ang mga yan at gusto ka lang nilang gawing masama sa public.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tama ang ginagawa mo, use your influence to help others lalo na yung mga small business na siguradong mahihirapang makabawi.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending