25K OFWs napauwi sa ilalim ng Hatid Probinsya program
UMABOT na sa 25,747 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nakauwi sa kani-kanilang probinsya sa ilalim ng Hatid Probinsya para sa mga OFWs Program.
Sa ilalim ng programa napauwi ang 7,483 sa pamamagitan ng land transport, 12,641 sa pamamagitan ng air transport (ang datos ay mula Mayo 25 hanggang Hunyo 7) at 5,623 sa pamamagitan ng sea transport (mula Abril 27 hanggang Hunyo 7).
Ang Hatid Probinsya program ay joint initiative ng Office of the President, National Task Force Covid-19, Department of Transportation (DOTr), Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Philippine Coast Guard (PCG), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Tourism (DOT), Philippine Ports Authority (PPA), Office for Transportation Security (OTS), Manila International Airport Authority (MIAA), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.