Katawan ni Lauren nilait ng fans ni DJ Loonyo: Oo mataba ako! Ano ngayon? Kainin ko kayo, e!  | Bandera

Katawan ni Lauren nilait ng fans ni DJ Loonyo: Oo mataba ako! Ano ngayon? Kainin ko kayo, e! 

Ervin Santiago - June 07, 2020 - 11:24 AM

DJ Loonyo-Laureen Young

“PATOLA mode” ang aktres na si Lauren Young laban sa mga netizens na kumakampi sa internet sensation na si DJ Loonyo.

Kaliwa’t kanang banat ang tinatanggap ngayon ng kapatid ni Megan Young mula sa fans and supporters ng kontrobersyal na DJ matapos niya itong okrayin at tawaging bobo dahil sa viral video nito tungkol sa paggamit ng face mask.

Tweet ng aktres, “Omg I just saw this!! Ang bobo shet ang bobo. Flat earther ka rin ba koyah??

“I feel like in the case of Loonyo he really just wants to sound smart but lacks the patience to sit, read and understand. Gusto lang magkaroon ng opinion for the sake of it? Mapakita lang yung big dick energy. Like LOOK AT ME I’M SMART.”

Dahil dito, bugbog-sarado ang dalaga sa fans ni DJ Loonyo. Pinagmumura siya at kung anu-ano pang masasakit na salita ang ibinato sa kanya pero hindi naman siya nagpatalo at talagang sinagot ang mga haters.

“WAAAH GONNA CRY MYSELF TO SLEEP IM SO SCARED OMG MY CAREER IS OVER OMG WHO AM I OH NOOOOO!”

“HAHAHA THEY REALLY THINK IM SCARED OR GIVE A FU*K NOH HAHAHA!” ang magkasunod na tweet ni Lauren. 

Bukod dito, nag-post din ang dalaga sa Twitter ng ilang hate message na natanggap niya. May tumawag sa kanya ng “laos”, “mataba” at “artista lang, hindi ka jojowain niyan.” 

Isa-isang sinagot ng sisteraka ni Megan ang mga panglalait sa kanya. Isang netizen ang nagsabing “Laos ka naman” na sinagot ni Lauren ng, “HINDI KO PO GUSTO SUMIKAT. I act because it pays my bills not because I crave for your fuc*ing approval.”

Isa naman ang nagkomento ng, “Artista ka pa naman” na nireplayan niya ng, “So magbabait baitan ako? Wala akong opinyon dapat?”

Pang-asar naman ng isa pang fan ni DJ Loonyo na nagsabing, “Di ka jojowain niyan.” Resbak naman sa kanya ni Lauren, “THANK GOD!!! Porket babae ako crush ko siya? ASA KAYO.”

Sa mga nanglait naman sa kanyang katawan, ito ang bwelta ng dalaga, “Oo mataba ako! Ano ngayon???

“Did I make statements that could possibly influence my followers to think the wrong way because I had incorrect information while oozing with confidence?

“NO. Tse. Kainin ko kayo eh.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “Body shaming is so 2019. Read a fuc*ing book and grow up people.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending