DJ Loonyo: I never used Ivana, kapal ko naman...never ako nanggamit ng tao | Bandera

DJ Loonyo: I never used Ivana, kapal ko naman…never ako nanggamit ng tao

Ervin Santiago - June 04, 2020 - 07:37 AM

Ivana-DJ Loonyo

GINAMIT lang ba ni DJ Loonyo si Ivana Alawi para mas madaling sumikat at makilala ng madlang pipol?

Yan ang akusasyon ng ilang supporters ng Kapamilya sexy actress laban sa kontrobersyal na DJ-choreographer matapos lumabas ang chika na niloko at sinaktan lang niya ang dalaga.

Nauna nang inamin ni DJ Loonyo sa kanyang Instagram Live session na mahal na mahal niya si Ivana kasabay ng pagso-sorry niya rito at kahit kailan ay hindi niya ito niloko o sinamantala. 

Dito ipinaliwanag niya kung bakit in-unfollow siya ng dalaga sa IG at Twitter. Hindi rin daw totoo na third party o ibang babae ang dahilan ng tampo o sama ng loob sa kanya ni Ivana.

Ani DJ Loonyo, “I never used Ivana. Not even a single minute na intention na gagamitin ko si Ivana. Kapal ko naman. Never ako nanggamit ng tao.

“Para what? Para sumikat or para makuha yung gusto ko? Never ko inisip na ginagamit yun. Alam ni Ivana ‘yan,” diin ng binata.

Inamin niyang nililigawan niya ang aktres pero, “Ayaw ko malaman ng media or ng social media. Gusto ko yung personal actions ko towards Ivana is just low-key.

“Kasi hindi naman kailangan malaman ng tao kung ano yung gusto ko mangyari sa nararamdaman ko for Ivana,” aniya pa.

Lahad pa ng binatang DJ, matagal na niyang gusto si Ivana kaya nang magkaroon ng chance na magkalapit sila, sinunggaban na niya ito agad.

“As time goes by, si Ivana was really my top priority. She’s very special to me. To a point na kapag nagme-message siya, automatic talagang masayang-masaya ako mag-reply.

“Kahit ultimo one line lang message niya, ang haba ng reply ko sa kanya. You can’t hide what you feel.

“For Ivana, it’s not only about what I feel. It’s what I think of her. Ang pagmamahal kasi, hindi ‘yan parang nararamdaman mo lang, e.

“Kahit hindi siya mag-reply the whole day, I am completely okay. Kasi pag mahal mo yung tao, mahal mo yung tao.

“What I felt for Ivana is deeper than that. I decided to love her. I decided to do things that will make her feel happy and special,” pag-amin pa ni DJ Loonyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, wala pang reaksyon si Ivana kaya waiting na ang milyun-milyon niyang followers sa socmed sa magiging pasabog niya tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni DJ Loonyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending