May bayad na kapag pinanood ang 'Probinsyano' ni Coco? | Bandera

May bayad na kapag pinanood ang ‘Probinsyano’ ni Coco?

Cristy Fermin - June 03, 2020 - 10:22 AM

COCO MARTIN

NAKAPAILALIM na sa GCQ ngayon ang NCR at iba pang mga probinsiya.

 Mas lumuwag na ang mga kautusan ng DOH at ng pamahalaan.

    Nakabalik na sa trabaho ang maraming kababayan natin, dusa nga lang sa kakapusan ng mga masasakyan, kaya “walk with faith” na lang ang mga Pinoy para kumita pagkatapos nang dalawang buwan at kalahating lockdown.

    ‘Yun ang matinding ikinalulungkot ng mga empleyado at artista ng ABS-CBN. 

Nakalutang pa kasi sa hangin kung mabibigyan ng bagong prangkisa ang network o hindi na.

    Nakabalik na sa pagtatrabaho ang marami nating mga kababayan pero sila ay nakatengga pa rin, walang trabaho, at ang pinakamatindi nilang pasang problema ngayon ay kung makababalik pa ba ang kanilang istasyon o talagang habambuhay nang magsasarado?

    Magpapatuloy na sa pagte-taping ang serye ni Coco Martin, sa isang lugar sa probinsiya ang kanilang location, mula sa umpisa hanggang sa matapos ang mga eksenang kukunan ay wala nang uwian ang mga kasama sa taping.

    Ang masakit lang ay hindi naman ‘yun mapapanood sa ABS-CBN dahil sarado nga, kuwento ng aming kausap ay sa KBO o Jeepney TV ‘yun mapapanood, kaya may bayad na ngayon ang pagsusubaybay sa Ang Probinsyano.

    Masaklap ang senaryong ito para sa mga artista ng ABS-CBN. Kung dati’y bastante ang kanilang karera dahil nagseserbisyo sila sa number one network, ngayon naman ay nakalutang sa hangin ang kanilang kinabukasan, bilang na bilang sa kanila ang may malaking naipon na kakayaning makaraos kahit sarado pa ang istasyon.

    Malaking problema ‘yun lalo na kung sila lang ang inaasahan ng kanilang mga pamilya, ngayon nila maiisip kung gaano kahirap ang puro palabas ang pera at wala nang pumapasok sa kanilang bulsa, suntok sa buwan kung kailan uli babalik ang operasyon ng bakurang inaasahan nila ng kabuhayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending