Panukala para mailipat ng pangulo ang araw ng pasukan umusad na | Bandera

Panukala para mailipat ng pangulo ang araw ng pasukan umusad na

Leifbilly Begas - June 02, 2020 - 06:16 PM

PASADO na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukala na bigyan ng kapangyarihan ang Pangulo upang ilipat ang simula ng pasukan sa panahon ng state of emergency o state of calamity.

Inaprubahan ang pag-amyenda sa “An Act To Lengthen the School Calendar From Two Hundred Days to Not More Than Two Hundred Twenty Class Days”.

Republic Act 7797) sa pamamagitan ng viva voce voting.

Ang House Bill 6895 ay katulad ng panukala sa Senado na magagamit umano ng Pangulo sakaling kailanganin na hindi ituloy ang pasukan sa Agosto 24.

“This bill seeks to allow the President some flexibility because of emergencies such as what we are experiencing right now to postpone or to delay the opening of the academic calendar,” ani House committee on basic education chairman at Pasig City Rep. Roman Romulo.

Sa ilalim ng RA 7797, ang pasukan ay maaaring magsimula sa unang Lunes ng Hunyo hanggang sa huling araw ng Agosto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending