Sesyon gusto i-extend hanggang sa susunod na linggo
UMAPELA si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na palawigin ang sesyon ng Kongreso hanggang sa susunod na linggo upang maaprubahan ang mga panukala na may kinalaman sa paglaban sa epekto ng coronavirus disease 2019.
Inihain ni Rodriguez ang House Concurrent Resolution No. 8 upang baguhin ang legislative calendar. Hanggang ngayong linggo na lamang ang sesyon ng Kongreso.
Ang sesyon ay muling magbabalik sa Hulyo 27, ang araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.
Kabilang umano sa mga maaaring maipasa ng Kongreso sa dagdag na araw ng sesyon ang ARISE (Accelerated Recovery and Intervention Stimulus for the Economy) Act; Covid-19-Related Anti-Discrimination Act; the Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) Act; CURES (Covid-19 Unemployment Reduction Economic Stimulus) Act, at Better Normal for the Workplace, Communities and Public Spaces Act.
“There are other measures still pending, including various bills mandating the establishment of pop-up bicycle lanes for the duration of the Covid-19 pandemic, the Crushing Covid-19 Act and my proposal to extend the Bayanihan to Heal as One Act by three months,” ani Rodriguez.
Ayon sa Konstitusyon, hindi lamang maaaring magsesyon ang Kongreso 30 araw bago ang SONA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.