ARESTADO ang 20-anyos na lalaki na nagnakaw umano sa isang bahay sa Quezon City kaninang umaga.
Si Jhonel Abuan, ng Area 6, Sitio Kumunoy, Brgy. Bagong Silangan, ay nahaharap sa kasong robbery.
Natutulog umano ang biktimang si George Gepulani Jr., 36, customs representatives, at ng Opna Compound Brgy. Bagong Silangan, nang umakyat sa terrace ang suspek alas-3 ng umaga.
Kinuha umano ng suspek ang dalawang cellphone at pera na may kabuuang halagang P35,000.
Nagising umano ang misis ng biktima nang buksan ng suspek ang sliding window.
Naaresto ang suspek sa follow-up operation ng pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.