Vice nakiusap sa mga nega: Kung ayaw n'yo sa akin, please unfollow me | Bandera

Vice nakiusap sa mga nega: Kung ayaw n’yo sa akin, please unfollow me

Ervin Santiago - May 31, 2020 - 12:26 PM

PINAYUHAN ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda ang lahat ng kanyang bashers at haters na walang ginawa kundi ang laitin at bastusin siya sa social media.

Sa gitna pa rin ng kinakaharap na pandemya ng bansa at ng buong mundo, patuloy pa rin ang pangnenega ng mga netizens lalo na sa mga artistang kinaiinisan nila.

Isa sa mga walang awang bina-bash at binu-bully ngayon sa social media ay si Vice Ganda na tinitira ngayon dahil sa mga panglalait at pang-ookray daw niya sa kanyang kapwa.

Tuloy din ang pang-aasar sa kanya ng mga haters dahil sa pagsasara ng ABS-CBN at ang pagtigil sa ere ng It’s Showtime. Kinarma lang daw ang komedyante dahil sa mga kanegahang pinagagagawa niya.

Marami rin naman ang nagtatanggol kay Vice laban sa mga negatron sa socmed. Pinayuhan siya ng kanyang fans na huwag nang patulan ang mga bashers na puro nega na lang ang nakikita sa kanya at sa mga ipino-post niya.

Sa kanyang Twitter account, nakiusap si Vice sa kanyang followers na irespeto na lang sana ang mga paniniwala niya sa mga bagay-bagay at kung ano ang kanyang pinaninindigan.

“Ayoko pong makadagdag sa mga pinagdadaanan nyo. Kung ok ako sa inyo at mga tweets ko please continue following me. Salamat po,” tweet ng TV host-comedian.

At sa lahat naman ng “toxic” followers, mas mabuting i-unfollow na lang daw siya sa socmed para mabawasan ang kanegahan sa paligid.

“Pero kung ayaw nyo sakin at sa mga tweets ko pls do urselves a little favor. Please unfollow me. Dont allow me to annoy you. And dnt be a toxic follower,” ani Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending