Mobile rapid screening truck para sa makapagtatrabaho na | Bandera

Mobile rapid screening truck para sa makapagtatrabaho na

Leifbilly Begas - May 28, 2020 - 11:31 AM

 COVID trstibg

ISANG mobile rapid screening facility ang binubuo ng Bagong Henerasyon partylist at Rotary International District 3780 para sa mga kompanya na nais ipa-coronavirus disease 2019 test ang kanilang mga empleyado.

Ayon kay House Deputy Majority Leader at Rep. Bernadette Herrera limang mobile COVID-19 testing trucks ang nais nilang magawa para rapid antibody tests ng mga empleyado.

Sinabi ni Herrera na pumasok ito sa partnership sa B&B Trainings and Holdings Inc., para maisagawa ang test na “relatively cheaper” kumpara sa pagpapa-test sa ospital at laboratories.

“We are doing this to help companies, particularly MSMEs (micro, small and medium enterprises), which could not afford to set up their own testing booths but eagerly wanted to have their employees tested for the deadly disease,” ani Herrera.

Maraming kompanya ang magbubukas na at nais na maipasuri muna ang kanilang mga empleyado.

“Due to the lack of mass testing being done, it has become imperative upon the private sector to do it on their own, that’s why we are now bringing these mobile rapid test hubs right at their doorsteps,” ani Herrera.  “Mass testing is the only way to get back to a semblance of normalcy.”

Nakikipagtulungan din si Herrera sa Diagnostica de San Vicente upang mas mapaganda ang proyekto. Bukas rin ito sa pakikipagtulungan sa iba pang diagnostic clinics.

Mayroon na ring kasunduan ang Bagong Henerasyon at Rotary International District 3780 na pinamumunuan ni Herrera para sa rapid testing ng mga frontline workers ng Quezon City government.

Para naman sa confirmatory test ng mga magpo-positibo, makikipag-ugnayan ito sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa pagsasagawa ng polymerase chain reaction (PRC) test.

“We are likewise calling for more partner-laboratories who can assist us in the PCR tests,” dagdag pa ng lady solon.

Isa sa mga truck na gagamitin ay pagmamay-ari ni Herrera na unang ginamit bilang mobile school na nagbigay ng computer training sa mga estudyante.

“We’re transforming the trucks into a mobile Covid-19 rapid test hub while our mobile computer training project hangs in the balance given the current situation.”

Ang bawat mobile testing truck ay mayroong encoding, printing at releasing ng certificates at resulta. Kaya nitong maglabas ng resulta ng test sa loob ng 15 minuto.

Maglalagay ng mga tent sa palibot ng mobile testing truck kung saan maghihintay ang mga empleyado na magpapasuri.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa si Herrera sa nananawagan ng mass testing para sa mga empleyado na babalik na sa trabaho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending