Angel ibebenta ang sasakyan kapalit ng COVID test kits; Anne nag-donate ng bag | Bandera

Angel ibebenta ang sasakyan kapalit ng COVID test kits; Anne nag-donate ng bag

Ervin Santiago - May 27, 2020 - 09:05 PM

AYAW talagang paawat ni Angel Locsin! 

Hangga’t may maibibigay at maise-share sa mga nangangailangan ay gagawin niya nang buong puso at walang hinihinging kapalit.

Bukod sa sarili niyang pera at sa donasyon ng mula sa mga ginawa nilang fundraising projects para sa frontliners at sa mga matinding naapektuhan ng lockdown dulot ng COVID-19 crisis, handa ring ibenta ni Angel ang ilang mahahalagang bagay na naging bahagi na ng kanyang buhay.

Ibebenta ng aktres ang pag-aaring 2015 Dodge Durango para sa muling pag-arangkada ng kanyang Shop & Share fundraiser kasama sina Anne Curtis at Bea Alonzo.

“This project aims to cover the expense for testing kids of the underprivileged,” ang sabi sa official Instagram page ng S&S na humihikayat sa mga netizens na mag-sign up na sa shopandshare.store para makatanggap na sila ng notification kapag nag-live na ang official website nito.

“Shop & Share is dedicated to helping our fellow Filipinos who need to be tested during this COVID-19 pandemic. With what we are able to raise, it is our aim to cover the expense for testing kits to the underprivileged who are affected by this global crisis.

“We pursue this mission humbly, with compassion and kindness in hopes of aiding the government in increasing testing for COVID-19 in our own little way,” ayon pa sa caption ng Shop & Share sa IG photo ng ibebentang sasakyan ni Angel.

Naka-post na rin sa S&S IG page ang ibebentang Chanel Cruise Boy North South Handbag 2019 na pag-aari naman ni Anne.

Samantala, ibinalita rin ni Angel na bumisita sila sa Tropical Disease Foundation para malaman kung ano pa ang pwede niyang maitulong sa gobyerno para labanan ang COVID-19.

“We are here to observe and learn more about how we can help the government and medical community in COVID-19 testing. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We are fortunate that private companies are working closely with the government to boost the daily testing capacity to 50,000 from the initial target of 30,000. 

“This is crucial to flatten the curve and ease us into the new normal as some of us go back to work,” caption ng aktres sa mga litrato niya sa IG na kuha sa TDF.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending