Enrolment sa public school tuloy sa June 1 | Bandera

Enrolment sa public school tuloy sa June 1

- May 27, 2020 - 02:33 PM

TULOY sa June 1 ang enrolment ng mga mag-aaral sa public school, ayon sa Malacanang.

“Tuloy po ‘yan dahil hindi naman po tayo pupuwede na walang preparasyon,” ani presidential spokesperson Harry Roque sa panayam sa Teleradyo, nang tanungin kung magkakaroon ng enrolment sa susunod na buwan.

Itinakda ng Department of Education (DepEd) ang isang-buwan na enrolment ng mga estudyante sa public school sa buong bansa mula June 1 hanggang 30.

Ang pagbubukas ng klase ay nakatakda naman sa August 24.

“Sa atin po, kailangan tuloy pa rin ang preparasyon pero gaya ng aking nasabi, ayan po, sumipa po ang numero ng Covid-19 (cases). Madali naman po ‘yang ‘wag ituloy. Naghahanda po tayo sa possibility ng both face-to-face at saka blended learning,” paliwanag ni Roque.

Kamakalawa ay sinabi ni Pangulong  Duterte na papayag lamang siyang ituloy ang klase kung mayroon nang bakuna sa Covid-19.

Klinaro naman ni Roque na ang pinatutungkulan ng Pangulo ay ang

“face-to-face classes.” –Inquirer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending