Regine, Ogie naloka sa biniling 'donut' at 'kaldero' sa online shopping | Bandera

Regine, Ogie naloka sa biniling ‘donut’ at ‘kaldero’ sa online shopping

Ervin Santiago - May 25, 2020 - 04:32 PM

MAHILIG din pala sa online shopping ang mag-asawang sina Ogie Alcasid and Regine Velasquez. 

Just recently, naloka ang followers nila sa kanilang Instagram accounts nang mag-post sila ng photos na ang backdrop ay ang palpak nilang online shopping experience.

Nagsimula ang lahat sa pagbili nila ng maliit na donut floater. 

“Malaki problema nya…… hindi namin sure kung makakalabas sya dyan. #salbabidangmaliit,” caption ni Regine sa photo ni Ogie na nakasuot ng donut floater.

“Update ko lang kayo. Nag enjoy muna sya magpalutang lutang habang nakasuot ang salbabidang maliit. Naka alis na po sya at ngayon ay masaya nang namumuhay na walang salbabida. #salbabidangmaliit,” second caption ni Regine sa another photo ni Ogie na naka-donut floater pa rin.

“Ito pa yung isang picture nya paiyak na tagala sya. Actually hindi ko alam kanino ako mag aalala, sa asawa ko ba na parang hindi na makahinga o sa salbabida? Katapusan mo na ba salbabida?

“Pero nakalabas naman sya so all is good paalala wala pong nasaktan o napahamak na salbabida habang ang kwentong ito ay nilalahad,” caption ni Regine sa third photo.

Ikinuwento naman ni Ogie ang palpak na online shopping experience niya.

 

“Yaman din lamang at naisiwalat na ng aking mahal ang mga kaganapan kahapon, eto po ang ang aking side. Umorder ako ng ‘donutlifesaver’ sa lazada nguni’t laking gulat ko na eto ang dumating. Kaya ayan, pinilit kong gamitin. #salbabidangmaliit #expectationsvsreality @reginevalcasid,” he revealed.

 Itsinika niya rin  na minsan na ring napalpak si Regine mula sa kanyang inorder through online shopping.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wag ka masyadong magmalaki mahal. Umorder ka ng kaldero na buong akala mo’y pagkalaki laki. But no, ang liit pala nya. 

“Kaya ayan, sa background naka ngiti si donut salbabbida,” caption ni Ogie sa isang photo showing Regine na may hawak na maliit na kaldero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending