NANAWAGAN si House Deputy Speaker Mujiv Hataman sa hanay ng mga magagaling na tao sa bansa upang tumulong sa pagbalangkas ng new normal sa edukasyon para hindi mahinto ang mga estudyante sa pag-aaral sa kabila ng limitasyon sa kagamitan nito.
Sinabi ni Hataman na dapat ay ipatupad ng Department of Education ang ‘no vaccine, no physical classes’ kung hindi ipagpapaliban ang klase.
Ayon kay Hataman tatlong buwan bago ang pasukan ay hindi pa malinaw kung ano ang partikular na gagawin ng DepEd bagamat naglabas na ito ng Learning Continuity Plan.
“The government has three months until August to finish its ‘greatest homework’ of adjusting the school system to the pandemic reality, which is to prevent some 31 million students from physically attending classes in packed school,” ani Hataman.
Inanunsyo ng DepEd na sa Agosto 24 magsisimula ang pasukan para sa School Year 2020-2021 subalit hindi umano nangangahulugan na magkakaroon ng face-to-face interaction sa paaralan.
“To use a teaching term, they have three months to write the ‘new lesson plan’ of education in the time of coronavirus, and it is not an easy task. The government should now pool its brightest minds to try and solve this pandemic puzzle and allow for an efficient education system without exposing students, teachers and school employees to risks.”
Sinabi ni Hataman na habang walang isinasagawang malawakang COVID-19 testing ay hindi dapat payagan ang mga bata na pumasok sa silid-aralan.
Hindi rin naniniwala si Hataman na dapat ay hayaan na nakatambay ang mga bata habang naghihintay ng gamot.
“Hindi naman pwedeng naka-tengga lang ang mga bata sa bahay habang wala pang bakuna. Paano kung abutin ito ng isang taon, isang taon din ba silang titigil? I don’t agree with this. We have to do something to allow our kids to keep on learning. Kaya dapat ang DepEd ay mag-isip ng alternative forms of learning,” dagdag pa ni Hataman.
Ang magiging hamon umano ay ang pagpili ng mga guro mula sa “cafeteria of learning options” at gamitin ito para matuto ang mga estudyante.
Umaasa rin si Hataman na ikokonsidera ng gobyerno ang pagbalik sa inalis na budget ng DepEd para makapaghanda ito sa pasukan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.