Gladys binatikos sa mass testing post: Wag na kayo magalit, wala na away-away
HINDI isang pagsuko o pagiging duwag ang pag-delete ni Gladys Guevarra sa kanyang Facebook post tungkol sa kontrobersyal na issue ng mass testing.
May mga sumang-ayon sa paniniwala ng komedyana na hindi kailangang magkaroon ng COVID-19 mass testing sa bansa tulad ng nais mangyari ng ilang kapwa niya celebrities.
Pero marami rin ang bumatikos sa kanyang FB status (na burado na nga ngayon) na, “Andaming artistang umaapila ng MASS TESTING.
“Opinyon ko to ha? Pwede mo ko sagutin kung mali ako. Naisip ko lang naman din. Ano ba kase ang magagawa rin ng Mass testing? Matanong ko lang.
“Eh kahit mag Mass testing, kung wala pa naiimbentong Vaccine, ano gagawin? Isusupot yung mga infected?”
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Gladys ng kanyang smiling photo kasabay ng pakiusap na tigilan na ang kanegahan sa social media at nirerespeto niya ang opinyon ng lahat ng nag-comment sa FB post niya.
Caption ng singer-stand-up comedienne sa kanyang selfie photo, “Sending this smile to everyone Tama na yan.
“Wag na kayo magalit, wala na away away. Para wala stress. Peace na lahat. Here’s a goodnight smile para sa inyong lahat.
“Magkakaiba man opinyon natin, pare-pareho lang tayo walang gusto ma-harm.
“Mali lang siguro mga pagkakaintindi natin. Peace to you all! Tuloy natin lahat ang laban, sa pakikipag tuos sa laban ng buhay,” aniya pa.
Sinagot naman ni Gladys ang isang netizen na nagsabi sa kanya na sana sa susunod ay mag-isip muna siya mag-post ng kahit ano lalo na kung medyo sensitibo at kontrobersyal ang issue.
Reply sa kanyppa ni Gladys, “Kakasabi ko lang po positive, kinagagalitan mo pa po ako. Ok na po yan. p, pinpatitigil ko lang po ang bangayan.
“Yun pa rin po opinyon ko, ‘wag po kayo mag-alala at hindi ko naman po pinagsisihan na opinyon ko po ‘yun.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.