‘Hiwa cake’ photo ni Megan patok sa socmed; Camille todo puri kay Chariz
DAHIL sagana pa rin sa oras ngayon ang mga Pinoy na stuck at home sa pagpapatuloy ng community quarantine, kani-kanyang paraan ang lahat para magpalipas-oras.
Gaya na lang ng Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez na pinagdiskitahan recently ang kanilang wedding photos.
Ayon sa mag-asawa, kasalukuyan daw nilang binubuklat ang kanilang wedding photos na halos umabot sa 10,000 files!
Aliw naman ang netizens sa ipinost na photo ni Mikael kung saan tila natatakot na hinihiwa ni Megan ang kanilang wedding cake.
“I randomly clicked on one and told myself I’d post it so here it is… now I’m wondering, why was Boneezy so scared of cutting that delicious strawberry shortcake?? Maybe she realized she was cutting away her freedom,” caption ni Mikael sa kanyang IG post.
Samantala, ibinahagi naman ni Megan ang cute na larawan nilang mag-asawa kasama ang aso nilang si Soba.
“Meanwhile, I’ll just share this photo that we took before we got ready for the reception. Soba was still so young! She looked like a little bear,” chika ni Megan.
Na-engage ang dalawa taong 2014 at nagpakasal nitong early January. Habang tigil muna sa taping ang pinagbibidahang serye ni Mikael na Love Of My Life, kasalukuyang napapanood muli ang My Husband’s Lover sa timeslot nito sa GMA Telebabad.
* * *
Para sa Mars Pa More host na si Camille Prats, isa ang matalik nitong kaibigan na si Pepito Manaloto actress Chariz Solomon sa mga pinakamahusay at talentadong artista ng kanilang henerasyon.
Sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng award-winning comedy sitcom ng Kapuso Network na Pepito Manaloto, nagpost ang Kapuso comedienne na si Chariz ng larawan ng buong cast na may sweet message para sa kanyang co-stars.
“The Lord has done me a very huge favor for the shows I’m honored to be part of right now. Thank you ‘Pepito Manaloto’ family for taking care of us and bringing out the best in all of us. I am home. Happy 10 years of quality entertainment!” ani Chariz.
Bumuhos naman ang congratulatory messages mula sa fans at kaibigan ng komedyana sa industriya gaya ni Camille na pinuri ang “talent” at pagiging “witty” ng kaibigan.
“So proud of you Mars. One of the most talented artists of today. A thinking comedienne na walang paglagyan ang wittiness. Congrats to you and the rest of the cast of Pepito!” ani Camille.
Patuloy pa ring napapanood si Chariz sa Pepito Manaloto tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend habang napapanood naman si Camille sa Mars Pa More tuwing 8:45 ng umaga sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.