outbrain

Sam adik na adik sa kamote: Kaya alam n’yo na ang utot niya, ha! 

By Reggee Bonoan May 24,2020
share this

Sam adik na adik sa kamote: Kaya alam n’yo na ang utot niya, ha! 

By Reggee Bonoan May 24,2020
share this

ANG daming revelations ni John Prats tungkol kay Sam Milby sa Facebook Live show ng Cornerstone Entertainment na “CSTV Presents: Lunch With The Stars”.

Ito’y bilang bahagi na rin ng birthday celebration ni Sam kasama si John Prats at Pooh na siyang nagsilbing host ng online show. At isa nga sa naging topic nila ay tungkol sa lovelife.

Ayon kay Pratty, hindi raw madaling ma-in love ang birthday boy, “Ito ang hindi alam ng tao kay Sam. Ako kasi ang bilis kong ma-in love, ang bilis kong magpalit, may ganu’n ako. Si Sam, ‘yung tipo na hindi siya papasok sa relationship until he is sure na talagang love ‘yung nararamdaman niya, ganu’n siya.

“Ang dami kong failed relationship, pero siya (Sam) for the longest time, single. Careful siyang pumasok sa isang relationship at kailangan 100% sure siya at ‘yun ang ina-admire ko sa kanya at ‘yun din ang hinihintay kong mangyari rin sa kanya.

“Ang wish ko lang talaga sa kanya, finally mahanap na niya ‘yung makakasama niya habambuhay, magkaroon siya ng mga little Milbys kasi sa mga pamangkin niya, very loving siya.  

“Sobra siyang concerned sa mga pamangkin niya, pag wala siyang work, gusto niyang tutukan ang mga pamangkin niya and I’m sure magiging magaling siyang ama sa mga anak niya,” sabi ni John.

“Very family oriented si Sam, kahit magkalayo sila ng parents niya kasi nasa Ohio (USA), very close pa rin sila,” sabi pa ni Pratty.

Inamin ni John na sa loob ng 10 taon nilang pagkakaibigan ni Sam ay kilalang-kilala na nila ang isa’t isa at magkapatid na ang turingan nila, sa katunayan “anak” na ang tawag sa kanya ng magulang ni Pratty.

Isa pang revelation sa show, naging instrument din si Sam sa pagiging direktor ni John, “Hindi ko maa-achieve ang goals ko ngayon kung wala ang suporta ni Samuel like being a director kasi nu’ng tinawagan ko ‘yung Bright Bulb (production company nila) na sabi ko gusto kong magdirek, sabi niya ‘go!’ Support siya. ‘Yung trust niya sa akin, 100 percent, and siya rin ang editor ko.

“Sobrang bait na tao ni Sam, napaka-generous, sa tuwing pupunta ako sa bahay niya, hindi niya alam panay ang dampot ko ng mga damit niya kasi hindi naman niya mahahalata sa sobrang dami,” pagtatapat ni John.

Natatawang sabi naman ni Sam, “Teka lang, no’ng nandoon ako sa bahay niya, buong stock ng damit ko (closet sabay muwestra ng dalawang dangkal) hindi ko alam na kinuha niya.”

Ikatlong revelation kay Sam ay nu’ng kasama siya ni John nang manganak si Isabel Oli. Kuwento ng aktor, “Kay Freedom at kay Feather, nandoon ako sa hospital nu’ng nanganak si Liv (Isabel), kaya baka this third (baby) baka ano, wala because of this quarantine.”

Hirit naman ni John, “Bro, baka nandoon ka, kasi baka may taping ako, so ikaw na lang papupuntahin ko kay Liv (sabay tawa kasama si Pooh).

“Sige, puwede naman, malapit lang ba dito? Malapit sa bahay ko?” natatawang reaksyon ni Sam.

At pati pag-utot ni Sam ay ibinuking din ni John, “Kamote ang pinakapaboritong kainin ni Sam kaya sa mga close niya, alam n’yo, napakabango ng utot (kabaligtaran) niya.”

Hirit ni Pooh, “’Yan ang tinatawag na maayos na mukha, masama ang sikmura!”

Anyway, ang iba pang guest sa birthday special ni Sam sa Facebook Live ng Cornerstone Entertainment ay sina Yam Concepcion na kaibigan din ng aktor at nakasama sa teleseryeng Halik at si Moira dela Torre na itinuturing na niyang little sister.

Walang cake si Sam kaya kanya-kanyang gawa na lang ang apat na kasama niya sa show — kaning lamig kay Pooh, kamote at apple kay Yam, dalawang pirasong tasty kay John at ube pandesal at brownie cookie naman ang kay Moira na nilagyan nilang lahat ng kandila sabay kanta ng “happy birthday”.

Samantala, teary-eyed naman si Sam nang batiin ng mga pamangkin, pati na ni Say Alonzo na naging malapit niyang kaibigan dahil sa PBB at siyempre ang nagpapasaya ngayon sa kanya, walang iba kundi si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending