Kim Chiu maraming natutunan sa 'classroom law'; vlog at kanta may 10M views na | Bandera

Kim Chiu maraming natutunan sa ‘classroom law’; vlog at kanta may 10M views na

Djan Magbanua |May 21,2020
facebook
share this

Kim Chiu maraming natutunan sa ‘classroom law’; vlog at kanta may 10M views na

Djan Magbanua - May 21, 2020 - 02:08 PM

ISANG magandang umaga ang bumati kay Kim Chiu nang ibalita niya na umabot sa 10 million views sa social media ang kaniyang kontrobersyal na ‘Bawal Lumabas (Ilabas Na Natin ‘To) ft Adrian and DJ Squammy’ na nagmula sa trending bawal lumabas quote niya na nakatanggap ng sandamakmak na pambabash online.

“Good morning classmates!!! More than 10 million views across social media platforms for BAWAL LUMABAS THE CLASSROOM SONG!!! Maraming salamat classmates! Isang malaking #ACKaF!!!!” ani Kim.

Kahit na maraming negatibong comment ay naging matatag si Kim sa harap nito at aniya, marami siyang natutunan.

“During this process I learned A LOT!!!! #Acceptance tanggapin mo ang pagkakamali mo. #Courage harapin mo ng buo ang situation at ang mga tao sa paligid mo. #Kindness kahit anong ibato sayo. Tignan mo parin na mabuti silang tao. Never loose faith in humanity. Always choose to be kind and #Faith tiwala sa panginoon na kahit anong mangyari hinding hindi ka niya pababayaan.”

“Kutyain ka man ng lahat. Wag mo lang itigil ang pagdadasal. Aminin ko at one point tumigil ako. Sabi ko sa sarili ko para saan pa to parang di naman niya naman ako naririnig. Days of silence then this came. Hinding hindi na tayo pababayaan.tuloy lang pagdasal, may isa pa kaming patuloy na pinagdarasal na dumating ang araw na sabihin nila sa amin na “AY! PWEDE NA PALA KAYONG LUMABAS.” #tiwala”

Nagpasalamat naman si Kim Chiu sa mga napasaya niya dahil dito.

https://www.instagram.com/p/CAbzYCkpBsP/

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending