Sharon gandang-ganda kay Gabbi; Marian 'pinapak' si Ziggy | Bandera

Sharon gandang-ganda kay Gabbi; Marian ‘pinapak’ si Ziggy

Ervin Santiago |May 19,2020
facebook
share this

Sharon gandang-ganda kay Gabbi; Marian ‘pinapak’ si Ziggy

Ervin Santiago - May 19, 2020 - 08:59 AM

#SHOOKT! Yan ang reaksiyon ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia nang makatanggap ng hindi inaasahang mensahe mula kay Megastar Sharon Cuneta.

Hindi in-expect ni Gabbi na isang movie icon na tulad ni Mega ang magko-comment nang bonggang-bongga sa kanyang recent Instagram picture.

 Sa litratong ipinost ng girlfriend ni Khalil Ramos mula sa kanyang Magazine photoshoot kung saan napapaligiran siya ng electric fan, sinabi ni Sharon na sa tingin niya ay isa si Gabbi sa may pinakamagandang mukha sa entertainment industry. 

“I think you are one of the most beautiful,” papuri ni Shawie kay Gabbi.

Ito naman ang agad-agad na reply ni Gabbi sa unexpected comment mula sa beteranang aktres, “OMG! Hi Ms. @reallysharoncuneta! I’m so kilig! Thank you po, stay safe always! My parents and I just re-watched ‘Caregiver’ last night.” 

Sumang-ayon naman ang mga followers ni Gabbi sa sinabi ni Mega kasabay ng sunud-sunod na pasasalamat sa kanya ng mga fans ng Kapuso star.

Bukod sa kanyang aktibong pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic, kasalukuyang napapanood si Gabbi sa rerun ng pinagbibidahang telefantasya na Encantadia kasama sina Glaiza de Castro, Sanya Lopez at Kylie Padilla sa GMA Telebabad.

* * *

Perfect timing ang pagkakakuha ni Dingdong Dantes sa litrato ng asawang si Marian Rivera at ng kanilang bunsong si Baby Ziggy sa kanyang recent Instagram post.

Huling-huli kasi ang nakatutuwang gigil moment ng mag-ina kung saan makikitang “Pinapak!” ni Marian ang kanilang baby.

 

Sa sobrang guwapo at cute ni Ziggy, hindi talaga mapipigilan ng ina ang pagbibigay dito ng mga matatamis na halik.

Hilig din talaga ni Dingdong ang pagkuha ng photos ng kanyang pamilya at pagbahagi ng mga ‘to sa social media. Aliw na aliw naman ang fans sa Dantes Squad online.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Samantala, simula kahapon, mapapanood na ang rerun ng pinagbidahang serye ni Dingdong kasama ang aktres na si Rhian Ramos na Stairway to Heaven sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending