Tunay na ugali ni Kim Chiu ibinuking  ni Eula Valdes: Nagtanung-tanong ako!  | Bandera

Tunay na ugali ni Kim Chiu ibinuking  ni Eula Valdes: Nagtanung-tanong ako! 

Julie Bonifacio |May 18,2020
facebook
share this

Tunay na ugali ni Kim Chiu ibinuking  ni Eula Valdes: Nagtanung-tanong ako! 

Julie Bonifacio - May 18, 2020 - 08:24 AM

TODO-TODO ang suportang nakuha ni Kim Chiu mula sa kanyang mga kasamahang artista, katrabaho behind the camera at fans pagkatapos ma-bash sa mga binitiwang salita sa online protest na #LabanKapamilya.

    Most of the stars ang kinakitaan ng support for Kim ay ang mga kasamahan niya sa  teleserye ng ABS-CBN na “Love Thy Woman.” Natigil ang afternoon drama series ni Kim dahil sa COVID-19  pandemic.

   Isa sa co-stars ni Kim sa “Love Thy Woman” ay ang aktres na si Eula Valdes. Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni  Eula ang suporta kay Kim.

    Sinimulan nito ang kanyang post sa  pagbabalilk-tanaw  bago nila simulan ang kanilang TV series.

    “When I first learned na makaka-work ko si Kim, nagtanung-tanong ako, kumusta ba si Kim katrabaho and as a person? 

     “Ang mga sagot nila, ‘Si Kim, Ok sya!’, ‘Super good vibes’, ‘Masayang kasama’, ‘Napaka down-to-earth’, ‘Walang Yabang sa katawan!’ At unti-unti kitang nakilala,” umpisa ng mensahe ni Eula sa ipinost niyang picture nila ni Kim.

      Mismong si Eula ay nakumbinsi sa nakuha niyang sagot sa kanyang tanong, “Tama nga sila, humble, professional, pasensyosa, masayahin kang tao, at pala ngiti, at ang pinaka gusto ko sa’yo ay yung nakakatawa mong tawa, na kahit hindi ko alam ano’ng topic nyo, pag nadinig kitang tumawa, natatawa rin ako!

      “Humanga naman ako sa’yo kase madasalin ka rin, sa ALTAR n’yo may crucifix, image ni Mama Mary, ni Jesus at si Buddha— Segurista!

       “Patunay kung bakit isa ka sa mga visible na nagbigay tulong sa mga nangangailangan ngayong panahon ng ECQ. Selfless at Generous ka. Napag tapos mo nga ng pag-aaral mga kapatid mo, hindi madaling gawin yun.”

       Sa huli ng kanyang  caption ay nagbigay siya ng payo kay  Kim,  “Ngayon, may mga taong binabatikos ka. Madaling sabihin na huwag mo silang pansinin, alam ko rin pakiramdam nyan. gumagapang ang lamig mula tuhod hanggang paa, nakakapanghina.

“Iiyak mo, pagkatapos pahinga ka. Huwag kang mag alala, ang totoo, SILA ang hindi masaya. Wala kang inapakang tao, MARAMI KAMING NAG MAMAHAL SA’YO! KAYA, SMILE KIMMY!!! @chinitaprincess.”

    Sa comment section ng IG post ni Eula, bumandera na may lumabas palang blind item sa kanila ni Kim sa isang entertainment online news.

    Ayon sa follower ni Eula na may account name na @chumangels19,  “Thank you Ms. Eula  sabi ko na di totoo yung  blind item sa inyo last March 19 na di nyo gusto si Kim thanks po…Love you both.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

    Nag-reply naman si Eula sa kanya, “Nabasa  ko rin yun. Nakakainis.”

     Samantala,  may nagpasalamat naman kay Eula sa  kanyang post  bilang suporta  kay Kim, “Thanks a lot Miss Eula.  This means a lot especially during this lowest point in her life. Stat safe po.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending