Ivana na-trauma sa mga kaibigang traydor: Maraming fake sa showbiz!  | Bandera

Ivana na-trauma sa mga kaibigang traydor: Maraming fake sa showbiz! 

Ervin Santiago |
BANDERA Editorial Articles -
May 17, 2020 - 09:37 AM

IVANA ALAWI

NAMIMILI ng kaibigan ang sexy star at vlogger na si Ivana Alawi. Na-trauma na kasi siya sa pagkakaroon ng mga friends na “traydor.”

Ito ang dahilan kung bakit mas madalas ay ang pamilya lamang niya ang nakakasama niya sa ginagawa niyang video para sa YouTube.

Natanong nga ng ilang followers niya sa social media kung may mga kaibigan ba siya dahil nga bihira siyang makipag-collaborate sa ibang artista o celebrities.

“Bilang na bilang ko lang ang mga kaibigan ko, talagang pinipili ko lang sila,” ang pag-amin ni Ivana. 

Aniya, marami siyang mga kaibigan noong hindi pa siya aktibo sa showbiz at pagba-vlog, pero naging mapili nga siya dahil napakaraming  plastik sa mundo.

“Ang dami kong naging kaibigan and sobrang nasaktan ako, kasi sila, lahat sila fake.

“And then I realized it’s not how many friends you have, it’s how many real friends you actually have.

“Kasi puwede ka actually magkaroon ng maraming kaibigan, e, 500, 100. Tapos kapag wala ka naman sa tabi nila, kung ano-ano ang sasabihin nila tungkol sa ‘yo,” paliwanag ng dalaga.

Bilang na bilang sa daliri ang friends ngayon ni Ivana at happy naman daw siya dahil alam niyang totoong tao ang mga ito at hindi siya gagawan ng masama sa harapan at talikuran.

“Ang dami kong beses na nasaktan kasi you would never do that to your friends, but they would [still] do it to you.

“’Pag kaharap ka, parang best friend na best friend, it’s just so plastic. Ayoko ng plastic na kaibigan. I’d rather have no friends than plastic friends,” pahayag pa ni Ivana.

Kahit daw sa mundo ng showbiz ay hindi siya basta-basta nagtitiwala dahil ayaw niyang mabiktima ng mga taong peke.

“Kaya sobrang maingat sa mga kaibigan na pinagkakatiwalaan kasi mahirap, mahirap yung showbiz industry.

“Hindi ko sinasabing lahat, pero marami talagang fake people in the industry.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And you have to be careful who you really trust, kung ganito yung intensiyon mo sa kanila na maging kaibigan, hindi siya laging ganoon, and sometimes masasaktan ka lang,” lahad pa ni Ivana Alawi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending